Obispo ng Infanta, nanindigan laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,466 total reads

Nanindigan ang Prelatura ng Infanta laban sa lumalalang suliranin ng katiwalian at kawalang katarungan sa bansa.

Ayon kay Bishop Dave Capucao, ang katiwalian at kawalan ng paggalang sa kalikasan ay mga sugat na patuloy na nagpapabigat sa krus ng mahihirap, lumalapastangan sa dangal ng tao, at pumipinsala sa kinabukasan ng bayan.

“Hindi ito maliit na pagkukulang ng pamahalaan — ito ay kasalanang sumasalungat sa kalooban ng Diyos,” pahayag ni Bishop Capucao.

Iginiit din ng obispo na ang bawat pondong ninanakaw, pekeng proyekto, at pagsira sa kalikasan ay nagdudulot ng kagutuman at kapahamakan sa mga pamayanan.

Dagdag pa ni Bishop Capucao, ang katahimikan at pagpapabaya sa ganitong gawain ay pagnanakaw sa pag-asa ng susunod na henerasyon.

“Hindi tayo maaaring manahimik. Tulad ni Maria na nakatindig sa paanan ng Krus, tayo rin ay tinatawag na manatiling matatag sa harap ng kasamaan, kasakiman at korapsyon,” ayon sa obispo.

Mariin namang nanindigan ang Prelatura sa pagtataguyod ng katotohanan at pananagutan, pagsusulong ng katarungan at pagbabantay ng sambayanan, gayundin sa pagpapatibay ng pag-asa at pananampalataya bilang gabay sa pagkakaisa at pagtatanggol sa kapakanan ng bayan.

Hinimok ni Bishop Capucao ang pamahalaan na mamuno nang may integridad at malasakit; ang mga pamilya na hubugin ang mga anak sa katotohanan; ang kabataan na maging tinig ng pagbabago; at ang mga magsasaka, mangingisda, guro, manggagawa at lahat ng dukha na sama-samang tumindig para sa dangal at kinabukasan.

Pinaalalahanan din ng obispo ang lahat ng pamayanan na ipahayag sa bawat Munting Sambayanang Kristiyano at parokya na ang Simbahan ng Diyos ay hindi tatanggap ng katiwalian.

“Ito ang tinig ng Prelatura ng Infanta. Ito ang panawagan ng ating pananampalataya. Ito ang tinig ng sambayanan na nagkakaisa laban sa kasalanan ng katiwalian at kawalan ng paggalang sa kalikasan,” saad ni Bishop Capucao.

Kaugnay nito, nakatakda ngayong September 21, 2025, kasabay ng pagdiriwang sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument na inorganisa ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) bilang sama-samang pagkilos laban sa sistematikong korapsyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,612 total reads

 24,612 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,852 total reads

 61,852 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,063 total reads

 80,063 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,391 total reads

 164,391 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,626 total reads

 200,626 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,579 total reads

 80,579 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top