Katiwalian, tinagurian ng CMSP-JPICC na kasalanang moral at espiritwal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,731 total views

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) kasama ang kanilang mga mission partners laban sa sistematikong katiwalian sa bansa.

Sa isinapublikong Solidarity and Prophetic Statement ng CMSP–JPICC bilang pakikibahagi sa Day of Protest and Indignation Against Corruption o Araw ng Pambansang Protesta at Pagkondena sa Katiwalian ngayong Setyembre 21, 2025 ay inihayag ng kalipunan na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng katiwalian.

Paliwanag ng CMSP–JPICC hindi lamang usaping political ang usapin ng katiwalian sa kaban ng bayan sa halip ay isang malalim na kasalanang moral at espiritwal na bumibiktima sa mga mahihirap at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

“On this day when we remember the painful shadows of Martial Law, we, the Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC) of the CMSP together with our mission partners, join the Filipino people in raising a prophetic voice of resistance and hope. We cannot remain silent in the face of systemic corruption that robs our nation of dignity and life. Corruption is not only a political issue but a deep moral and spiritual wound. It has stolen food from the poor, dimmed the light of our youth, and betrayed the common good. It mocks God’s commandment: “Thou shall not steal.”” Bahagi ng pahayag ng CMSP–JPICC.

Giit ng CMSP–JPICC, dapat tutulan at kondenahin ang anumang uri at antas ng katiwalian kung saan walang sinuman o gaano man kataas ang posisyon o katayuan sa lipunan ang dapat na palagpasin sa kanilang pananagutan.

“We affirm: corruption, in all its forms and at every level, must be rejected and confronted. No position of power, no office, and no title can justify or excuse dishonest practices. No one should be exempted; no one should be excluded from the demand for accountability and truth.” Dagdag pa ng CMSP–JPICC.

Bilang pakikiisa, aktibong nakibahagi ang CMSP–JPICC sa mga ginanap na iba’t ibang pagkilos para sa Araw ng Pambansang Protesta at Pagkondena sa Katiwalian kabilang na: ang pagtitipon sa Manila Cathedral at martsa patungong Luneta; ang Bahain ang Luneta mobilization; ang Misa sa People Power Monument na pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban; ang Misa sa EDSA Shrine na pamumunuan ni Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo; at ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument.

Giit ng samahan, ang mga naganap na pagtitipon ay hindi lamang usaping politikal sa halip ay isang pananagutan moral na naayon din sa Ebanghelyo.

“Let it be clear: our gathering is not about politics, nor about partisan colors. It is a moral obligation and a Gospel imperative. As Church, we are compelled by faith and conscience to speak truth, to denounce sin, and to defend the dignity of every Filipino. Our voice belongs to no political party, but to the mission of Christ who came “that all may have life, and have it to the full” (John 10:10).” Ayon pa sa CMSP-JPICC.

Muli naman nanawagan ang CMSP-JPICC sa lahat ng Pilipino na magbago, isantabi ang kultura ng kasinungalingan, at sama-samang maglakbay bilang mga peregrino ng pag-asa para sa isang lipunang pinaghaharian ng katarungan at katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,689 total views

 31,689 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,841 total views

 54,841 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,955 total views

 124,955 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,569 total views

 199,569 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 277,287 total views

 277,287 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,469 total views

 5,469 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top