Mamamayan, hinimok ni Cardinal Advincula na suriin ang sarili at ugnayan sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,256 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na suriin ang kanilang sarili at ang ugnayan sa Panginoon, sa gitna ng lumalalang katiwalian sa lipunan.

Sa kanyang homiliya noong Setyembre 21 sa kapistahan ng Padre Pio Chapel sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City, binigyang-diin ng kardinal ang aral mula sa ebanghelyo ni San Lukas (16:1–13) tungkol sa pagiging tapat na katiwala ng biyayang bigay ng Diyos.

Aniya, “We are therefore asked to make a choice: are we serving God or are we serving mammon?”

Iniugnay ng arsobispo ang pagninilay sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, kasabay ng isinagawang Trillion Peso March na layong mapanagot ang lahat ng sangkot sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Nanawagan si Cardinal Advincula sa taumbayan na ipanalangin ang mga pinuno ng bayan upang maging tapat na katiwala ng yaman at kapangyarihang ipinagkatiwala ng taumbayan.
“We are asked to pray for our leaders that they may use the influence, machinery, and resources entrusted to them, not to kidnap the nation for ransom, but to truly serve and afford life for others,” giit ng arsobispo.

Binigyang-diin din ng kardinal na ang pinakamabisang paraan upang labanan ang korapsyon ay ang pagtataglay ng integridad, kahit sa maliliit na bagay sapagkat ang ganitong asal ay makapagdudulot ng unti-unting pagbabago sa buong sistema.

“We are called to bravely call out and stand against selfishness, greed, abuse, and violence, in all its forms, that trample upon the fullness of life of our brothers and sisters. To counter corruption that victimizes others, we are instructed to be trustworthy, even in very small matters. This is the long-term plan to reverse the systems of corruption that pillage our nation,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Bago rito, nauna nang nagpahayag ng suporta si Cardinal Advincula sa panawagan para sa pananagutan ng mga tiwaling opisyal, kaugnay ng imbestigasyon sa maanomalyang ghost at substandard flood control projects na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 48,133 total reads

 48,133 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 165,613 total reads

 165,613 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 250,982 total reads

 250,982 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 297,722 total reads

 297,722 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 345,589 total reads

 345,589 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 441,388 total reads

 441,388 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top