Lokal na Trillion Peso March, isasagawa ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,919 total reads

Magsasagawa ng lokal na bersyon ng Trillion Peso March ang Arkidiyosesis ng Caceres bilang pakikiisa ng mga Bicolano sa pambansang panawagan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

Inihayag sa Radyo Veritas ni Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) Vice President Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria na siya ring head ng Caceres Archdiocesan Cluster for Education, ang pagsasagawa ng kilos-protesta na sagisag ng pakikiisa ng mga Bicolano sa tinig ng mamamayang Pilipino laban sa katiwalian sa kaban ng bayan at sa malawak na epekto na dulot ng kultura ng kawalan ng pananagutan o impunity sa bansa.

Ayon kay Fr. Tria, isasagawa ang National Day of Protest and Indignation Against Corruption sa September 25, 2025.

Sinabi ng Pari na magsisimula ang pagkilos sa pamamagitan ng isang Peaceful Protest March ganap na alas-dos ng hapon mula Ateneo de Naga University hanggang Peñafrancia Basilica Minore na susundan ng maikling programa ganap na alas-kwatro ng hapon upang ipahayag ang pakikiisa ng mga Bicolano sa panawagang papanagutin ang lahat ng may kaugnayan sa sistematikong katiwalian sa kaban ng bayan.

Pangungunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagdiriwang ng banal na misa upang ipanalangin ang pagpapanibago ng mga gahaman sa salapi at kapangyarian na nagnanakaw sa pondo na dapat ay para sa bayan.

Inaanyayahan rin ang lahat ng makikibahagi sa pagkilos at magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa katotohanan, katarungan at pagbabago sa bayan.

Batay sa tala ng CLCNT, umabot sa 70,000 ang bilang ng mga nakibahagi sa naganap na Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument noong ika-21 ng Setyembre, 2025 bukod pa sa iba’t ibang mga pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 27,957 total reads

 27,957 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 248,576 total reads

 248,576 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 283,247 total reads

 283,247 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 299,147 total reads

 299,147 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 333,674 total reads

 333,674 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 51,554 total reads

 51,554 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top