“Rosary for Peace,” itinakda ng Santo Papa sa Oktubre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,191 total reads

Inaanyayahan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalatayang Katoliko sa buong mundo na magsama-sama sa panalangin ng Rosaryo para sa Kapayapaan, lalo na sa mga bansang apektado ng digmaan, sa darating na buwan ng Oktubre na inilalaan ng Simbahan para sa Banal na Rosaryo.

Sa kanyang pahayag sa Wednesday General Audience, sinabi ng Santo Papa na ang mga mananampalataya sa Roma ay magtitipon sa St. Peter’s Square sa Oktubre 11, 2025, alas-6 ng gabi.

Hinimok ng pinunong pastol ang lahat na manalangin ng Rosaryo araw-araw — sa sarili, sa pamilya, at sa komunidad.

Inanyayahan din ng Santo Papa ang mga kawani ng Vatican na magsagawa ng daily Rosary sa St. Peter’s Basilica, alas-7 ng gabi, sa buong buwan ng Oktubre.

Binigyang-diin niya sa mga peregrino mula Portugal ang ‘mga pinsalang dulot ng karahasan’ at hinikayat ang lahat na ipalaganap ang pag-ibig ni Hesus, na nagbibigay liwanag at pagpapalago ng kabutihan sa buong sangkatauhan.

Ang Rosary for Peace ay gaganapin kasabay ng Jubilee of Marian Spirituality sa Oktubre 11–12, kasabay ng ika-63 anibersaryo ng pagbubukas ng Second Vatican Council noong Oktubre 11, 1962.

Ang orihinal na imahe ng Our Lady of Fatima ay ilalagay sa St. Peter’s Square para sa panalangin at pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,399 total reads

 90,399 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,683 total reads

 167,683 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 201,131 total reads

 201,131 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,430 total reads

 236,430 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,432 total reads

 459,432 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top