Kasalanan sa Diyos at sambayanan ang katiwaliang umiiral sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,855 total reads

Binigyang-diin ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng lumalalang katiwalian sa bansa.
Ayon kay Fr. Puno, ang mga umiiral na suliranin sa lipunan ay hindi lamang usaping pulitikal at pang-ekonomiya kundi isang malinaw na kasalanan laban sa Diyos at sa sambayanan.

Paliwanag ng pari, ang katiwalian ay tuwirang paglabag sa ika-pitong utos ng Diyos na ‘Huwag kang magnanakaw’, sapagkat ang perang kinukurakot mula sa kaban ng bayan ay perang dapat nakalaan para sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

“Ang korupsyon ang ugat ng malalang kahirapan, kakulangan ng serbisyong panlipunan, at pagkasira ng tiwala sa pamahalaan. Ang pangunahing biktima ay ang mga walang laban—ang mga mahihirap na natatanggalan ng pagkakataong makinabang sa yaman ng bansa,” pahayag ni Fr. Puno.

Dagdag pa ni Fr. Puno, tungkulin ng Simbahan bilang tinig ng mga walang tinig na tawagin sa pananagutan ang mga tiwali, palakasin ang loob ng mamamayan, at itaguyod ang katarungan.

Iginiit ng pari na ang pananahimik ay pakikiisa sa kasamaan, habang ang pagtindig laban dito ay pakikibahagi sa misyon ni Kristo.

Panawagan naman ni Fr. Puno sa mga lingkod-bayan na magsilbi nang may integridad at katapatan; sa sambayanan na maging mapanuri at huwag maging bahagi ng katiwalian; at sa mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya sa gawaing panlipunan at pakikibaka para sa katarungan.

Hinamon din ng pari ang Simbahan na maging huwaran ng pagiging tapat at may pananagutan upang maging makabuluhan ang tinig nito laban sa katiwalian.

“Ang korupsyon ay sugat sa kaluluwa ng bayan. Kailangang sugpuin ito sa pamamagitan ng pagkakaisa, pananagutan, at pagbabalik-loob sa Diyos,” ayon kay Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,841 total reads

 91,841 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,871 total reads

 185,871 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 230,139 total reads

 230,139 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 253,248 total reads

 253,248 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 324,203 total reads

 324,203 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,286 total reads

 147,286 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top