Executive Order 97 ng pangulong Marcos, pinangangambahan ng EILER

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,646 total reads

Nangangamba ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa Executive Order No. 97 ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Renan Ortiz, chairperson ng EILER, may panganib sa polisiya na nagpapahintulot sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na rumesponde o makibahagi sa gawain ng mga unyon.

Tinukoy ni Ortiza ang mga kaso ng red tagging, harassment at karahasan sa mga lider manggagawa ng unyon.

“We laud the hard work of the trade union centers and labor rights defenders that led to the explicit recognition that unionization must be protected as a fundamental labor right, we remain vigilant, however, and we call on the labor rights defenders to examine this new policy which clearly states that ‘the PNP, in coordination with DOLE, may request the assistance of the AFP to help restore and protect public order and security.’ That alone widens the Assumption of Jurisdiction, a mechanism of the state long criticized by labor rights defenders for violently dispersing workers’ strikes in the name of ‘national interest,” ayon sa mensahe ni Ortiza na pinadala ng EILER sa Radyo Veritas.

Bagamat kinikilala ng EILER na nakatuon ang Executive Order sa mga pamantayan para sa kalayaan ng mga manggagawa na mag-organisa nang walang panggigipit ay nanawagan ang church-based labor group sa pamahalaan, unyon at civil society organizations na suriing mabuti ang bagong kautusan.

Ikinatatakot ng EILER na ang kautusan ay maaring salungat sa mga polisiya ng International Labor Organization Conventions 87 at 98 lalo na lalo lamang magdulot sa mga manggagawa ng karagdagang banta, pangamba at karahasan.

Noong 2024, muling napabilang ang Pilipinas sa talaan ng Global Rights Index bilang isa sa ‘Top 10 Most Dangerous Countries for Labor Leaders and Members,’ matapos maitala ang 70 kaso ng pagpaslang sa mga lider at miyembro ng mga Labor at Environmental Groups.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 9,996 total reads

 9,996 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 118,193 total reads

 118,193 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 154,980 total reads

 154,980 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 185,554 total reads

 185,554 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 233,508 total reads

 233,508 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 20,798 total reads

 20,798 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top