Kahandaan sa anumang sakuna, ipinapaalala ni Bishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,187 total reads

Iginiit ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang kahalagahan ng maagap na paghahanda upang maiwasan ang pinsalang dulot ng Bagyong Opong na kasalukuyang tumatahak sa bahagi ng Bicol region.

“Kailangan ang paghahanda upang maging ligtas tayo. Kailangan ng plano at tamang pag-manage ng disaster to reduce the effects of the disasters,” pahayag ng arsobispo sa Radyo Veritas.

Bagamat lumihis ang track ng bagyo sa Camarines Sur, partikular sa Naga City, muling nanawagan si Archbishop Alarcon sa mga residente na manatiling alerto at sundin ang mga kautusan ng kanilang local government units at disaster risk management offices.

Bilang bahagi ng paghahanda, binuksan ng Arkidiyosesis ng Caceres ang mga simbahan at paaralan upang magsilbing evacuation centers para sa mga pamilyang nakatira sa mababang lugar na lantad sa pagbaha at pagguho ng lupa.

“Sa ngayon nga, may mga pamilya nang pansamantalang nasa loob ng ating mga simbahan,” dagdag ng arsobispo.
Nagbigay din si Archbishop Alarcon ng paalala ukol sa mga dapat ihanda tulad ng emergency kits na may pagkain, gamot, ilaw, at fully charged na cellphone habang hinihikayat ang lahat na magtulungan sa gitna ng sakuna.

“Mas mabuti ang pag-iingat at risk management kaysa magsisi sa huli…an ounce of prevention is better than a pound of cure. Kaya pakiusap ko, magtulungan po tayo para sa kaligtasan ng lahat,” ani Archbishop Alarcon.
Bukod sa praktikal na paalala, pinangunahan din ng arsobispo ang panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

“Mapagmahal na Ama, kami dumudulog sa Iyo dala ang aming mga pangamba dahil sa Bagyong Opong. Tulungan Mo po ang bawat isa sa amin, lalo na ang mahihina, ang mga malayo, at ang walang kakayahan. Iligtas Mo kami sa anumang panganib.”

Ayon sa PAGASA, unang nag-landfall ang Bagyong Opong sa San Policarpo, Eastern Samar, at muling tumama sa Masbate. Nakahanda na rin ang mga social action centers ng mga diyosesis na direktang maaapektuhan upang tumulong sa mga residente.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 44,151 total reads

 44,151 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 156,036 total reads

 156,036 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 241,406 total reads

 241,406 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 288,144 total reads

 288,144 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 336,012 total reads

 336,012 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 432,133 total reads

 432,133 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top