Maging tagatatag ng kayapaan at saksi ng pananampalataya, paalala ni Cardinal Advincula sa militar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,504 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga kasapi ng militar na huwag lamang manatili bilang tagapagtanggol ng bansa kundi maging tagapagtatag ng kapayapaan at saksi ng pananampalataya.

Sa kanyang homiliya sa concluding Mass ng 60th General Assembly and Annual Conference ng Apostolat Militaire International (AMI), binigyang-diin ng kardinal ang mahalagang misyon ng mga military diocese sa buong mundo.

“You are not just defenders of nations. You are also builders of peace, witnesses of faith, and servants of Christ,” ani Cardinal Advincula.

Pinuri rin niya ang AMI dahil sa pagpapatibay ng Christian values sa mga unipormadong kawani, pagsusulong ng dayalogo sa pagitan ng mga bansa, at paghubog ng mga lider na may malasakit at integridad.

Binigyang-diin ng arsobispo ang tinatawag na biblical leadership na nakaugat sa pananampalataya at malasakit.

“Biblical leadership means putting God first, living with integrity, leading with compassion, and serving with humility. It means being builders, not of walls that divide, but of bridges that unite,” dagdag pa niya.

Aminado si Cardinal Advincula na mabigat ang hamon ng mga sundalo at kapulisan sa pagtupad ng tungkulin, ngunit nananatili silang matatag.

“Your resilience is not just physical; it is also spiritual — the ability to rise after failures, to forgive after pain, to hope after loss,” giit niya.

Hinikayat ng arosbispo ang mga kasapi ng AMI na dalhin si Kristo sa bawat kampo, peacekeeping mission, at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Build the house of the Lord in every military camp, every peacekeeping mission, every heart you encounter,” ani ng kardinal.

Kasama ni Cardinal Advincula sa banal na misa si Military Bishop Oscar Jaime Florencio at Bishop Paul Mason ng Military Ordinariate of Great Britain.

Ngayong taon, ikatlong pagkakataon na ang Pilipinas ang naging host ng AMI gathering kabilang na noong 1997 at 2011.

Dumalo sa kumperensiya ang humigit-kumulang 70 delegado mula sa 15 bansa, kabilang ang 24 na kinatawan mula sa Pilipinas. Tema ng pagtitipon ang: “AMI @60 in the 2025 Jubilee Year: Strengthening Christian Values within the Armed Forces Worldwide through Biblical leadership, building bridges and increased resilience.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 24,568 total reads

 24,568 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 130,087 total reads

 130,087 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 216,197 total reads

 216,197 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 286,328 total reads

 286,328 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 318,813 total reads

 318,813 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top