Kahandaan sa anumang sakuna, ipinapaalala ni Bishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,070 total views

Iginiit ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang kahalagahan ng maagap na paghahanda upang maiwasan ang pinsalang dulot ng Bagyong Opong na kasalukuyang tumatahak sa bahagi ng Bicol region.

“Kailangan ang paghahanda upang maging ligtas tayo. Kailangan ng plano at tamang pag-manage ng disaster to reduce the effects of the disasters,” pahayag ng arsobispo sa Radyo Veritas.

Bagamat lumihis ang track ng bagyo sa Camarines Sur, partikular sa Naga City, muling nanawagan si Archbishop Alarcon sa mga residente na manatiling alerto at sundin ang mga kautusan ng kanilang local government units at disaster risk management offices.

Bilang bahagi ng paghahanda, binuksan ng Arkidiyosesis ng Caceres ang mga simbahan at paaralan upang magsilbing evacuation centers para sa mga pamilyang nakatira sa mababang lugar na lantad sa pagbaha at pagguho ng lupa.

“Sa ngayon nga, may mga pamilya nang pansamantalang nasa loob ng ating mga simbahan,” dagdag ng arsobispo.
Nagbigay din si Archbishop Alarcon ng paalala ukol sa mga dapat ihanda tulad ng emergency kits na may pagkain, gamot, ilaw, at fully charged na cellphone habang hinihikayat ang lahat na magtulungan sa gitna ng sakuna.

“Mas mabuti ang pag-iingat at risk management kaysa magsisi sa huli…an ounce of prevention is better than a pound of cure. Kaya pakiusap ko, magtulungan po tayo para sa kaligtasan ng lahat,” ani Archbishop Alarcon.
Bukod sa praktikal na paalala, pinangunahan din ng arsobispo ang panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

“Mapagmahal na Ama, kami dumudulog sa Iyo dala ang aming mga pangamba dahil sa Bagyong Opong. Tulungan Mo po ang bawat isa sa amin, lalo na ang mahihina, ang mga malayo, at ang walang kakayahan. Iligtas Mo kami sa anumang panganib.”

Ayon sa PAGASA, unang nag-landfall ang Bagyong Opong sa San Policarpo, Eastern Samar, at muling tumama sa Masbate. Nakahanda na rin ang mga social action centers ng mga diyosesis na direktang maaapektuhan upang tumulong sa mga residente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,450 total views

 52,450 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,319 total views

 48,319 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,521 total views

 84,521 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,085 total views

 93,085 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,990 total views

 117,990 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top