Wreath-laying ceremony, isasagawa sa Port of Jagna, Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,446 total reads

Magkakaroon ng wreath-laying ceremony sa Port of Jagna, Bohol sa darating na September 28, 2025 bilang pagpupugay sa mga seafarers na nasawi sa dagat at bilang pagkilala sa lahat ng migrante at Overseas Filipino Workers (OFWs), aktibo man o hindi.

Ayon kay Fr. Jose Conrado Estafia, Diocesan Migrant Director ng Diocese of Talibon: “Adunay wreath-laying nga mahitabo didto sa Port sa Jagna karong September 28, 2025—paghalad og mga pag-ampo ug mga bulak alang sa mga seafarers nga nangamatay sa dagat.”

Bilang bahagi ng programa, isang banal na misa ang isasagawa ganap na alas-dos ng hapon sa loob mismo ng pantalan bago ang pag-aalay ng bulaklak.

Inaanyayahan ng pari ang mga pamilya at kaanak ng mga seafarers, migrante at OFWs na makiisa bilang tanda ng pakikiisa at pasasalamat sa kanilang sakripisyo.

Kasabay nito, ipagkakatiwala rin sa Mahal na Birheng Maria, Stella Maris—patron ng mga mandaragat at OFWs—ang lahat ng kanilang paglalakbay at paghihirap.

Ito ay inisyatibo ng Parish Pastoral-Spiritual Care of Migrants, Itinerants and OFWs (PASCO-MI OFW) ng Diocese of Talibon, katuwang ang Philippine Ports Authority–Port Management Office Bohol (PPA PMO-Bohol).

Itinatampok ito sa pagdiriwang ng 39th National Migrants’ Sunday at 30th National Seafarers’ Day, na kabahagi ng 26th National Maritime Week.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ang “Migrants, Missionaries of Hope,” na hango sa paggunita ng Jubilee Year of Hope ng Simbahang Katolika.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Migrant Workers (DMW), umabot sa US$38.3 bilyon o katumbas ng ₱2.2 trilyon ang ipinadalang remittances ng mga OFW noong 2024—patunay ng kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa at sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 23,458 total reads

 23,458 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 129,033 total reads

 129,033 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 215,143 total reads

 215,143 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 285,274 total reads

 285,274 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 317,809 total reads

 317,809 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top