Sa gitna ng trahedya, tanging sa Diyos matatagpuan ang katatagan at pag-asa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,406 total reads

Nanalangin si Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa kaligtasan ng mga pamilyang labis na naapektuhan ng matinding pagbaha at pananalasa ng hanging Habagat na pinalakas ng mga nagdaang bagyong Mirasol at Nando, gayundin ng kasalukuyang binabantayang Severe Tropical Storm Opong na patuloy na nagdudulot ng pangamba sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Bishop Santos, sa gitna ng trahedya, tanging sa Diyos matatagpuan ang kapanatagan at pag-asa.
Ipinanalangin ng obispo ang mga nawalan ng mahal sa buhay upang maramdaman ang paglingap ng Panginoon at magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang pagdadalamhati.

Hiniling din ni Bishop Santos ang patnubay at lakas para sa mga rescuer at volunteer na walang kapagurang sumasaklolo, gayundin ang kaligtasan at pangunahing pangangailangan ng mga apektado—tulad ng pagkain, masisilungan, at suporta upang muling makabangon.
Dagdag pa ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang krisis na dulot ng mga kalamidad ay paalala upang magtulungan bilang isang pamayanan at kumapit sa pangako ng Diyos na kailanma’y hindi pababayaan ang Kanyang bayan.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa apat ang nasawi mula sa pinagsanib na epekto ng hanging Habagat at mga Bagyong Mirasol at Nando.
Samantala, sa huling ulat naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), dumaan na ang Bagyong Opong sa Sibuyan at Tablas Island sa Romblon at ngayo’y patungo na sa katimugang bahagi ng Mindoro Island.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa baybayin ng Ferrol, Romblon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h, at pagbugsong aabot sa 150 km/h, habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 35 km/h.

Prayer for Divine Protection in the Face of the Storm
Heavenly Father and Loving God, we come to You with heavy hearts, seeking Your comfort and strength in this time of great distress. The raging floods and the devastation caused by the typhoon have left us feeling overwhelmed and helpless. We especially lift up those who have lost loved ones in this tragedy.

Lord, we ask for Your peace to surround those who are grieving. May they feel Your presence and find solace in Your love. Grant them the courage to face each day and the hope to carry on, even in the midst of their sorrow.

We pray for the safety and protection of all those affected by the floods. Provide them with shelter, food, and the support they need to rebuild their lives. Guide the hands of the rescuers and volunteers, giving them the strength and wisdom to help those in need.

Lord, we trust in Your unfailing love and mercy. Help us to come together as a community, to support one another, and to find strength in our shared humanity. May we be reminded of Your promise to never leave us nor forsake us, even in the darkest of times. In Your holy name, we pray. Amen

+RUPERTO CRUZ SANTOS, DD
Bishop of Antipolo and Parish Priest

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 200,975 total reads

 200,975 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 235,648 total reads

 235,648 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 251,548 total reads

 251,548 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 288,036 total reads

 288,036 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 294,681 total reads

 294,681 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 92,414 total reads

 92,414 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top