Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wreath-laying ceremony, isasagawa sa Port of Jagna, Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,313 total views

Magkakaroon ng wreath-laying ceremony sa Port of Jagna, Bohol sa darating na September 28, 2025 bilang pagpupugay sa mga seafarers na nasawi sa dagat at bilang pagkilala sa lahat ng migrante at Overseas Filipino Workers (OFWs), aktibo man o hindi.

Ayon kay Fr. Jose Conrado Estafia, Diocesan Migrant Director ng Diocese of Talibon: “Adunay wreath-laying nga mahitabo didto sa Port sa Jagna karong September 28, 2025—paghalad og mga pag-ampo ug mga bulak alang sa mga seafarers nga nangamatay sa dagat.”

Bilang bahagi ng programa, isang banal na misa ang isasagawa ganap na alas-dos ng hapon sa loob mismo ng pantalan bago ang pag-aalay ng bulaklak.

Inaanyayahan ng pari ang mga pamilya at kaanak ng mga seafarers, migrante at OFWs na makiisa bilang tanda ng pakikiisa at pasasalamat sa kanilang sakripisyo.

Kasabay nito, ipagkakatiwala rin sa Mahal na Birheng Maria, Stella Maris—patron ng mga mandaragat at OFWs—ang lahat ng kanilang paglalakbay at paghihirap.

Ito ay inisyatibo ng Parish Pastoral-Spiritual Care of Migrants, Itinerants and OFWs (PASCO-MI OFW) ng Diocese of Talibon, katuwang ang Philippine Ports Authority–Port Management Office Bohol (PPA PMO-Bohol).

Itinatampok ito sa pagdiriwang ng 39th National Migrants’ Sunday at 30th National Seafarers’ Day, na kabahagi ng 26th National Maritime Week.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ang “Migrants, Missionaries of Hope,” na hango sa paggunita ng Jubilee Year of Hope ng Simbahang Katolika.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Migrant Workers (DMW), umabot sa US$38.3 bilyon o katumbas ng ₱2.2 trilyon ang ipinadalang remittances ng mga OFW noong 2024—patunay ng kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa at sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 34,317 total views

 34,317 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 101,805 total views

 101,805 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 122,870 total views

 122,870 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 145,092 total views

 145,092 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 180,034 total views

 180,034 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top