4K indibidwal, kinakalinga ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,134 total reads

Umabot sa mahigit 4,000 indibidwal ang pansamantalang kinalinga ng mga parokya at simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Caceres matapos ang pananalasa ng Bagyong Opong.

Batay sa datos ng arkidiyosesis, nasa kabuuang 939 pamilya o 4,180 indibidwal ang nanuluyan sa 18 parokya at institusyon na nagsilbing evacuation centers sa iba’t ibang bayan ng Camarines Sur.

Kabilang sa may pinakamaraming evacuees ang St. Francis of Assisi Parish sa Buhi na umabot sa 134 pamilya o 501 indibidwal, Our Lady of the Assumption Parish sa Canaman na may 104 pamilya o 445 indibidwal, at Holy Rosary Major Seminary sa Naga City na tumanggap ng 57 pamilya o 309 indibidwal.

Ayon kay Caritas-Caceres executive director, Fr. Marc Real, maagang naghanda ang arkidiyosesis matapos ang paunang abiso na daraanan ng Bagyong Opong ang Camarines Sur.

“Two days ago, ang forecast ay tatamaan kami [Camarines Sur], kaya grabe ang paghahanda. Marami ang evacuees sa parishes na nag-seek ng temporary shelter,” pagbabahagi ni Fr. Real sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Fr. Real, nagbago ang direksyon ng bagyo at dumaan sa katimugang bahagi ng Bicol Region kaya hindi gaanong naapektuhan ang lalawigan.

Dahil dito, nagsimula nang magsiuwian ang ilang evacuees, bagamat nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Caritas Caceres lalo sa Rinconada district na mas malapit sa diameter ng bagyo.

Nagpasalamat naman ang Archdiocese of Caceres sa lahat ng pari, volunteers, at mananampalatayang nagpakita ng malasakit at bukas-palad na pagtulong sa mga nasalanta.

“Let us continue to pray for everyone’s safety and for the swift recovery of our communities,” ayon sa arkidiyosesis.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 23,743 total reads

 23,743 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 171,499 total reads

 171,499 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 206,175 total reads

 206,175 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 222,498 total reads

 222,498 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 258,983 total reads

 258,983 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 267,302 total reads

 267,302 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 90,757 total reads

 90,757 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top