Dioceses sa Bicol Region, magsasagawa ng 2nd collection para sa biktima ng bagyo sa Diocese ng Masbate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,792 total reads

Muling nagkaisa ang mga diyosesis sa Bicol Region upang matulungan ang mga labis na apektadong pamayanan sa Masbate matapos manalasa ang Bagyong Opong.

Iaalay ng mga Diyosesis ng Legazpi, Sorsogon, Daet, at Virac ang second collection sa mga Misa para sa ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon simula Anticipated Mass ng Sabado ng gabi, September 27, 2025, at sa lahat ng Misa bukas, Linggo, September 28, 2025.

Sa inilabas na panawagan ng Diyosesis ng Legazpi, ang second collection na nakatakda para sa programa ng diyosesis na Tanganing an Dukha Atamanon (TADA), ay ilalaan para sa pagtulong para sa mga nasalanta ng kalamidad sa Diyosesis ng Masbate.

“Through our united generosity, we can offer support and hope to our brothers and sisters in need. Dios Mabalos po,” pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Umapela rin ng suporta ang Diyosesis ng Sorsogon at hinikayat ang mga mananampalataya, mga relihiyosong grupo, at mga parokya na magpaabot ng tulong.

Ibinahagi ng Caritas Sorsogon ang listahan ng pangangailangan tulad ng pagkain, inuming tubig, shelter materials, hygiene kits, medical suplies, damit, at saping pampaa.

Tumatanggap ang diyosesis ng anumang tulong cash o in-kind donations, o pagiging volunteer, sa mga drop-off points sa iba’t ibang parokya sa lalawigan, kabilang ang Sorsogon Cathedral at mga parokya sa Gubat, Irosin, Bulan, at Pilar.

Binuksan din ng Caritas Sorsogon, na pinamumunuan ni Fr. Ruel Lasay, ang command center sa Our Lady of Peñafrancia Seminary Auditorium.

“Masbateños need us now—let us extend our support after Typhoon Opong,” ayon sa Caritas Sorsogon.

Kasabay naman ng patuloy na pananalangin, ipinag-utos din ni Daet Bishop Herman Abcede sa lahat ng parokya at quasi-parishes ng diyosesis ang pag-aalay ng second collection para sa mga biktima ng bagyo sa Masbate.

Tiniyak ni Bishop Abcede na ang malilikom na tulong ay maipapadala sa Diyosesis ng Masbate para sa recovery and rebuilding efforts.

“Let us continue to pray for our brothers and sisters in Masbate, that the Lord may strengthen them during this time of trial and grant them hope as they rebuild their lives. As we do this, we also extend help to alleviate their suffering,” ayon kay Bishop Abcede.

Samantala, magsasagawa rin ng second collection ang Diyosesis ng Virac, habang naglunsad din ng donation drive ang Arkidiyosesis ng Caceres sa pamamagitan ng Caritas Caceres.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 9,496 total reads

 9,496 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 97,127 total reads

 97,127 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 143,867 total reads

 143,867 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 191,739 total reads

 191,739 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 295,395 total reads

 295,395 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,951 total reads

 167,951 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top