Bishop Occiano, nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kaligtasan ng isla sa pananalasa ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,591 total reads

Nagpapasalamat si Virac, Catanduanes Bishop Luisito Occiano sa lahat ng nakatuwang ng diyosesis sa pagtitiyak ng kaligtasan ng isla mula sa matinding pinsala ng Bagyong Opong.

Pinasalamatan ni Bishop Occiano ang Caritas Virac, mga pari, at ang Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO/PDRRMO), gayundin ang iba pang institusyon, dahil sa pagkakaisa, mabilis na pagtugon, at walang kapagurang paglilingkod sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ayon kay Bishop Occiano, ang bukas-palad na pagtulong, mula sa pagbubukas ng mga pasilidad ng parokya bilang evacuation centers hanggang sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan, ay patunay ng diwa ng Kristiyanong pagkakawang-gawa at tunay na pakikiisa.

“Your unity in action—reaching out to the vulnerable, responding swiftly to urgent needs, and working hand in hand—has been a true witness of Christian charity and genuine synodality,” pahayag ni Bishop Occiano.

Kasabay nito, nanawagan ang obispo ng panalangin para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo, na pagkalooban ng Panginoon ng lakas, ginhawa, at pag-asa upang muling makabangon.

Binigyang-diin din ni Bishop Occiano ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng sambayanan, habang muling isinasaayos ang mga buhay at pamayanan.

“In every storm, may we see the light of Christ guiding us to care for one another as one family of God,” ayon kay Bishop Occiano.

Batay sa tala ng diyosesis, 11 parokya at mission stations ang nagsilbing kanlungan at nagkaloob ng tulong sa 76 pamilya at 454 indibidwal.

Samantala, hinikayat ng diyosesis ang mga mananampalataya na magbahagi ng tulong para sa mga higit na naapektuhan ng Bagyong Opong sa Diyosesis ng Masbate sa pamamagitan ng isasagawang second collection sa lahat ng Misa bukas, Linggo, September 28, at sa inilunsad na donation drive ng Caritas Virac.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,892 total reads

 2,892 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,824 total reads

 54,824 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 140,190 total reads

 140,190 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,926 total reads

 186,926 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,798 total reads

 234,798 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 336,139 total reads

 336,139 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,845 total reads

 169,845 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top