Hospital Chaplains, nagpahayag ng galit sa talamak na katiwalian sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,704 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya at galit ang mga hospital chaplain at chaplaincy ministers ng Archdiocese of Manila laban sa patuloy na umiiral na katiwalian sa pamahalaan.

Ayon kay University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) head chaplain, Fr. Marlito Ocon, SJ, direktang naaapektuhan ng korapsyon ang mga ospital at serbisyong pangkalusugan, lalo na para sa mga mahihirap at maysakit.

Iginiit ni Fr. Ocon na ang kanilang pagkagalit ay hindi simpleng damdamin kundi makatuwirang panawagan para sa katarungan.

Aniya, malinaw na nakikita ang epekto ng katiwalian sa kakulangan ng sapat na pasilidad, gamot, at medical staff sa mga ospital.

“When public funds meant to build roads, hospitals, schools, and flood control projects are stolen, our people suffer. When those in power betray the trust given to them, it is not only a crime against the law but a sin against the poor,” pahayag ni Fr. Ocon.

Dagdag ni Fr. Ocon, hindi dapat manahimik ang simbahan at mamamayan sa harap ng ganitong sitwasyon, sapagkat ang pananahimik ay anyo ng pakikiisa sa kasalanan.

Hinimok din ng pari ang lahat na ipakita ang paninindigan sa pamamagitan ng pagboto nang tama, pagtanggi sa suhol, at pagsuporta sa mga tapat na pinuno.

Nilinaw ni Fr. Ocon na ang kanilang galit ay hindi bunga ng poot kundi ng pagmamahal sa bayan, sa mahihirap, at sa katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,649 total reads

 72,649 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,828 total reads

 107,828 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,128 total reads

 143,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,397 total reads

 369,397 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,810 total reads

 258,810 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,934 total reads

 154,934 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top