Kawalang pakialam ng taumbayan, isa sa dahilan ng laganap na kahirapan at katiwalian sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,553 total views

Mariing binalaan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga mananampalataya laban sa kawalan ng pakialam na isa ring dahilan sa paglaganap ng kahirapan at katiwalian sa bansa.

Sa kaniyang homiliya para sa ika-26 Linggo ng Karaniwang Panahon ay binigyang-diin ni Cardinal David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi gutom o sakit ang ikinamatay ni Lazaro sa Ebanghelyo kundi ang kawalan ng malasakit ng mayamang nasa tabi lamang niya.

Paliwanag ng Cardinal, ang kawalan ng malasakit ay hindi lamang isang panlipunang suliranin kundi isang kasalanang moral at espiritwal.

“Hindi lang tubig-ulan ang nagpapabaha sa ating bansa kundi korapsyon; at ang ugat ng korapsyon ay kawalan ng pakialam… Sa langit, para mabusog ka kailangan magpakain ka ng iba. Para lumigaya kailangang magpaligaya ng iba. Kaya paano ka liligaya kung sa lupa nabuhay ka para sa sarili lamang?” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Nanawagan naman si Cardinal David sa mga Pilipino na isabuhay ang malasakit at pagtulong sa kapwa bilang paraan upang mailigtas ang bayan mula sa kasalanan ng kawalang pakialam.

Pagbabahagi ng Cardinal, mahalagang suriin ng bawat mananampalataya ang kanilang sarili at isabuhay ang pagmamalasakit sa kapwa, bilang daan upang maiangat ang pagkatao at mailigtas ang bayan mula sa korapsyon at kahirapan.

Ayon kay Cardinal David, sa tuwing naaantig ang damdamin ng tao upang tumulong sa kapwa, higit na nakikinabang ang tumutulong kaysa tinutulungan sapagkat napupukaw nito ang kabutihan sa puso at malasakit sa kapwa na sukatan din ng tunay na pagkatao ng isang indibiwal.

“Minsan kapag naantig ang damdamin natin at tumulong tayo sa mga kapos-palad, akala natin sila ang ginawan natin ng pabor. Hindi po. Kapag naaantig tayo at natututong magmalasakit—sila ang tumutulong sa atin. Tayo ang tumatanggap ng pabor—nagigising ang kabutihan sa ating puso, natututo tayong maging makatao at magpakatao. Ang nag-aakalang siya’y tumulong ang siya palang natulungan.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Giit ng Cardinal, mahirap ang tunay na pagpapakatao lalo na kung mas inuuna pa ang pansariling interes at hindi ang nararamdaman o ang pinagdaraanan ng kapwa na maituturing na pagmumukhang tao ngunit ugaling hayop dahil sa kawalan ng pakialam.

Paliwanag ni Cardinal David, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng malasakit at pagdamay sa kapwa ay umuunlad ang pagkatao ng isang indibidwal at nagiging daan tungo sa isang makatao at makatarungang lipunan.

“Kasi dito sa mundo madali ang maging tao ngunit mahirap magpakatao. Pwedeng mukhang tao pero ugaling hayop kapag walang pakialam, kapag walang hinahabol kundi sariling kapakanan. Kapag nararamdaman na natin ang nararamdaman ng kapwa, noon pa lang umuunlad ang ating pagkatao.” Ayon pa kay Cardinal David.

Kabilang sa partikular na inihalimbawa ni Cardinal David ang kalagayan ng mga mahihirap sa kalakhang Maynila na nagtatrabaho ngunit hindi kayang makapagpatayo ng disente at sariling tahanan, makapagpaaral ng mga anak, o makapagpagamot sa tuwing may sakit, habang labis naman ang karangyaan ng iilan na nagtataglay ng milyon-milyong halaga ng sasakyan, alahas at ari-arian na nagmula sa mismong kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 51,223 total views

 51,223 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 73,228 total views

 73,228 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 97,570 total views

 97,570 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 120,703 total views

 120,703 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 152,535 total views

 152,535 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top