Cebu leaders, hinimok ni Archbishop Uy na maglingkod ng buong katapatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,994 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga lider ng lalawigan ng Cebu na maglingkod ng buong katapatan para sa kabutihan ng nakararami.

Sa ginanap na civic reception ng Cebu Provincial Government sa pangunguna ni Governor Pamela Baricuatro, sinabi ng arsobispo na bilang mga lider ng lipunan, dapat tiyakin maging mabuting katiwala sa pamayanang kanilang pinaglilingkuran.

“We must earn the trust of our people, prove ourselves through service, and ensure that leadership is never about power, but about the common good,” ayon sa pahayag ni Archbishop Uy.

Kinilala ng arsobispo ang bagong pamunuan sa lokal na pamahalaan ng Cebu, kabilang ang bagong gobernador, bise gobernador, at alkalde ng Cebu City. Ayon sa kanya, ang kanyang pag-upo bilang bagong arsobispo ng arkidiyosesis ay nangangahulugang bagong simula sa larangan ng paglilingkod sa pamayanan.

“Let us journey together, church and government, leaders and people, hand in hand, so that this moment of four new beginnings will not be wasted, but will bear fruit for generations to come,” ani ng arsobispo.

Bilang hamon sa pamunuan ng lalawigan at lunsod, hinikayat ni Archbishop Uy na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan, gaya ng pagtatayo ng Laudate Deum Tree Parks upang labanan ang lumalalang climate change at bilang pagparangal kay Pope Francis, na nagpamalas ng labis na pagmamahal sa sangnilikha.

Sa gitna ng matinding usapin ng katiwalian sa bansa, nangako si Archbishop Uy sa mamamayan at mga lider ng pamahalaan na magiging katuwang ang arkidiyosesis sa pagtutol sa mga ghost projects na naglulustay ng pera ng bayan sa halip ay iminungkahing isulong ang mga ‘godly projects.’

“No to ghost projects, but yes to godly projects. Let us dedicate ourselves to projects that honor God, uplift the poor, protect creation, and bring genuine progress and build lasting peace,” saad ng arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na bukod sa paghanga ng mga nasasakupan sa mga proyektong ipatutupad, dapat din itong kalulugdan ng Diyos.

Bukod sa mga opisyal ng lalawigan, dumalo rin sa pagtitipon ang ilang mga obispo na dumating sa Cebu upang makiisa sa installation ni Archbishop Uy bilang ikalimang arsobispo ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 4,774 total reads

 4,774 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 36,049 total reads

 36,049 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 115,774 total reads

 115,774 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 210,000 total reads

 210,000 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 270,355 total reads

 270,355 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,876 total reads

 37,876 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top