“Preserving human voices and faces”, tema ng 60th World Day of Social Communications

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,022 total reads

“Preserving human voices and faces” ang napiling tema ni Pope Leo XIV para sa ika-60 World Day of Social Communications na idaraos sa Mayo 17, 2026, isang linggo bago ang Pentecost.

Inihayag ito ng Vatican bilang pagpapaalala sa kahalagahan ng tunay na tinig at mukha ng tao sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng makabagong teknolohiya.

“In today’s communication ecosystems, technology influences interactions more than ever before—from algorithms curating news feeds to AI authoring entire texts and conversations” ayon sa Dicastery for Communication ang siyang nangangasiwa sa taunang pagdiriwang,

Bagama’t kinikilala ng Vatican ang mga benepisyo ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, na nag-aalok ng bagama’t nagdala ang teknolohiya ng mga bagay na dati’y hindi maiisip, malinaw na hindi nito mapapalitan ang kakayahan ng tao na magpakita ng malasakit, gumawa ng tama, at managot sa moral na pananagutan.

Ayon sa Dicastery, kailangan sa komunikasyon ang pagdedesisyon ng tao at hindi lang datos. Kaya’t dapat manatiling nakasentro sa tao ang hinaharap ng komunikasyon.

“The future of communication must be one where machines serve as tools that connect and facilitate human lives, rather than erode the human voice,” ayon pa sa pahayag ng tanggapan.

Nagbabala rin ang Vatican sa mga panganib na dulot ng artificial intelligence.

“AI can generate engaging but misleading, manipulative, and harmful information; replicate biases and stereotypes from its training data; and amplify disinformation through simulation of human voices and faces. It can also invade people’s privacy and intimacy without their consent.”

Nagbabala rin ito na ang sobrang pagdepende sa AI ay nakakasagabal sa malinaw na pag-iisip at pagkamalikhain, at ang pagkontrol dito ng iilan lamang ay maaaring magdulot ng labis na kapangyarihan at hindi pagkakapantay-pantay.

Dahil dito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtuturo ng “Media Literacy” at maging “Media and Artificial Intelligence Literacy (MAIL)” sa loob ng pormal na edukasyon.

“As Catholics, we can and should give our contribution, so that people – especially youth – acquire the capacity of critical thinking, and grow in the freedom of the spirit,” ayon sa pahayag.

Ilang ulit nang iginiit ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagtugon ng Simbahan sa mga hamong dulot ng AI at makabagong teknolohiya.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na ang kanyang napiling pangalan ay hango kay Pope Leo XIII, na sa kanyang makasaysayang Encyclical Rerum Novarum ay tinalakay ang mga suliraning panlipunan noong unang industrial revolution.

“In our own day, the Church offers to everyone the treasury of her social teaching in response to another industrial revolution and to developments in the field of artificial intelligence that pose new challenges for the defence of human dignity, justice and labour,”ayon kay Pope Leo XIV.

Sa isa pang mensahe para sa Second Annual Conference on Artificial Intelligence, Ethics, and Business Governance, binigyang-diin ni Pope Leo na ang mabuti o masamang dulot ng AI ay dapat suriin batay sa pinakamataas na moral na pamantayan —ang paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat tao, maging sa yaman ng kultura, pananampalataya, at pagkakaiba-iba ng mga tao sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,266 total reads

 93,266 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,296 total reads

 187,296 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 231,564 total reads

 231,564 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 254,673 total reads

 254,673 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 325,560 total reads

 325,560 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top