National Union of Cooperatives, nanindigan kontra corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,122 total reads

Nanindigan ang National Union of Cooperatives (NUC) at Union of Catholic Church – Based Cooperatives (UCCC) laban sa korapsyon at katiwalian sa bansa.

Kinundena ng mga samahan ng kooperatiba sa Pilipinas ang nabunyag na korapsyon sa flood control projects ng pamahalaan at pangangamkam sa kaban ng bayan ng mga Senador, Kongresista at opisyal ng DPWH, Commission on Audit, Bids and Awards Committee at kasabwat na mga kontraktor ng mga depektibo at ghost projects.

Sa pangunguna ni NUC at UCC national chairperson Rev. Fr. Anton CT Pascual ay hinamon ng grupo ang pamahalaan na panagutin sa batas at ikulong ang mga sangkot sa katiwalian sa flood control projects ng gobyerno.

Inihayag ni Fr. Pascual na nagsama-sama ang 42-unions and federations sa kumakatawan sa12-milyong miyembro na manindigan, magprotesta at magpahayag ng galit sa matindi at nakakaeskandalong korapsyon sa pamahalaan.

“Ang kooperatiba ng Pilipinas sa pamumuno ng National Union of Cooperatives ay may sama-samang nag-protesta laban sa korapsyon, Cooperatives Stand Against Corruption, Cooperatives, we stand for integrity against corruption, kaya nagsama-sama po ang 42 Unions and Federations na kumakatawan sa mga almost eight to ten million na mga individual member para po tayo po ay magprotesta at magpahayag ng galit at yamot, righteous angers sa matindi at nakaka-eskandalong korapsyon sa ating gobyerno,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual.

Nanawagan ang pari sa pamahalaan na pakinggan ang sigaw ng taumbayan na maibalik ang multi-bilyong ninakaw na pondo at parusahan ang mga sangkot sa anumalya.

Iginiit ni Fr.Pascual na nakahanda ang NUC na tipunin ang milyung mga miyembro ng kooperatiba para magsagawa ng pagkilos upang lalong mapalakas ang panawagan ng pananagutan sa mga sangkot sa katiwalian.

Tiniyak din ng Pari ang magpapaigting sa kamalayan ng mga Pilipino sa wastong pagboto sa nalalapit na 2028 Presidential election upang palitan na ang mga bulok na opisyal ng bayan.

Naniniwala ang Pari na napapanahon ng linisin ang gobyerno, ang mga demokratikong institusyon, magkaroon ng internal vigilance ang mamamayan at palitan na ang mga korap na politiko.

“Kailangan maglinis po tayo ng gobyerno, pahalagahan natin ang demokrasya at linisin natin ang ating mga demokratikong institutions, sapagkat ang kooperatiba ay naniniwala sa demokrasya pero kailangan linisin po natin ang korapsyon, ngayon ang pagkakataon may krusada tayo ngayon at gamitin natin ang eleksyon 2028 para palitan ang mga korap na pulitiko ng mga bago at batang pulitiko at bantayan natin sapagkat internal vigilance is the price of democracy,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Sa datos ng Cooperative Development Authority, umaabot na sa 20,752 ang bilang ng mga kooperatiba na mayroong 12-milyong Pilipinong miyembro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 10,374 total reads

 10,374 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 92,329 total reads

 92,329 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 125,778 total reads

 125,778 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 161,077 total reads

 161,077 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 387,295 total reads

 387,295 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top