Special collection para sa mamamayan ng Cebu, isasagawa ng Archdiocese of Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,233 total reads

Nanawagan si Archbishop Romulo Valles ng Archdiocese of Davao ng isang special collections sa lahat ng parokya at kapilya bilang tulong para sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa Cebu noong gabi ng Setyembre 30, 2025.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Archbishop Valles na ang malakas na lindol ay nagdulot ng malaking pinsala, pagkawala ng buhay, at nag-iwan ng libo-libong pamilyang nangangailangan ng agarang tulong.

Bilang tugon, inatasan ng Arsobispo ang lahat ng kura paroko at chaplain ng mga kapilya na magsagawa ng special collection sa lahat ng Misa — kabilang ang anticipated Masses — ngayong Linggo, Oktubre 5, 2025.

Ang lahat ng malilikom ay agad na ipapadala sa Finance Office ng Archdiocese of Davao para maipadala kaagad sa Archdiocese of Cebu.

Bukod sa koleksyon, maaari ring magbigay ng cash donations ang mga indibidwal at institusyon.

Ang mga makakalap na kontribusyon ay maaaring idiretso sa calamity fund account ng Archdiocese of Davao sa BDO Davao – Woodlane Diversion Road branch, sa pangalan ng The Roman Catholic Bishop of Davao, Inc., may account number na 01407013680. Maaari ring dalhin ang mga donasyon sa Finance Office ng Archbishop’s Residence sa F. Torres Street, Davao City.

“I am deeply grateful for your immediate and generous response to this call of solidarity with our brothers and sisters in Cebu,” ayon pa kay Archbishop Valles.

Tiniyak ng arsobispo na ang lahat ng malilikom na donasyon ay agad na ipapadala sa Archdiocese of Cebu upang makatulong sa agarang pangangailangan ng mga nasalanta.

Sa pinakahuling ulat, umaabot na 72 katao ang nasawi sa 6.9 magnitude na lindol sa lalawigan ng Cebu kung saan ang pinakasentro ay naganap sa Bogo City.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 25,654 total reads

 25,654 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 174,179 total reads

 174,179 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 208,855 total reads

 208,855 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 224,931 total reads

 224,931 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 261,417 total reads

 261,417 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 269,581 total reads

 269,581 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top