Caritas Manila, tutulong sa relief, rehab at reconstruction ng Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,728 total reads

Pinaigting ng Simbahang Katolika nang Pilipinas ang pag-apela ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Cebu.

Ibinahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang pakikiisa ni Pope Leo XIV, at Vatican sa mga biktima ng lindol.

Bukod sa patuloy na pananalangin ay tiniyak ni Archbishop Brown na gagawin ng Simbahang Katolika ang lahat na tulong upang mabilis na makabangon ang mga Cebuano mula sa trahedya.

“As your Apostolic Nuncio, and as I expressed to Archbishop Abet on the morning after the terrible earthquake, the Holy See (that is the Vatican and Pope Leo XIV) stands in solidarity to all of you in Cebu, especially in the northern part of the island who suffered this very very terrible and difficult earthquake. Just know that we are praying for you, we are working with you and we will do everything we can to help you recover very very quickly. May God bless you and be sure that we are praying for you,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Archbishop Brown.

Tiniyak naman ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila ang ugnayan at pakikipagtulungan sa Social Arm ng Archdiocese of Cebu upang malaman ang mga pangangailagan ng mga biktima ng lindol.

Ayon kay Father Pascual, nakaalalay ang Caritas Manila katuwang ang mga benefactors sa relief, rehab at reconstruction upang maibsan ang paghihirap ng mga apektado ng 6.9 magnitude na lindol.

Inihayag ni Fr.Pascual na tutulong at susuporta ang social arm ng Archdiocese of Manila sa mahabang developmental program lalawigan ng Cebu upang ganap na makabangon sa trahedya.

“Tayo po’y nakipag-ugnayan nang direkta sa Cebu Caritas at mga donors ng Caritas Manila sa Cebu upang magtulong-tulong tayo at magbigkis tayo ng ating lakas at ng mga yaman, upang matulungan nating maibsan ang paghihirap ng mga tinamaan ng lindol. Tayo ay nakipag-ugnayan kay Archbishop Abet Uy, ang bagong Arsobispo ng Cebu, at ang kanilang Social Action head, Fr. Alex Cola Jr., para makatulong ang Caritas Manila sa tatlong R: Relief, Rehab, and Reconstruction. Mahalaga din po yung reconstruction, sapagkat napakaraming simbahan ang nadamage at delikado kung gagamitin ang mga simbahan na iyan. At may aftershock, baka maging peligroso sa mga mananampalataya. Kaya’t ito po ay isang mahabang developmental program, at inaasahan po ang lahat ng mga Pilipino” bahagi naman ng panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,067 total reads

 47,067 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,847 total reads

 126,847 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,294 total reads

 160,294 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,592 total reads

 195,592 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,319 total reads

 420,319 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top