Pro-death Congressmen, nangangailangan ng education of conscience.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Paghuhubog ng konsensiya ay kailangang ipagkaloob sa mga mambabatas.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church chairman Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagkapasa ng House 4727 o ang Reimposition ng Death Penalty Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Bishop David, iginagalang nito ang 216 na kongresista na bumuto ng “Yes,” 54 na “No” at isang nag – abstain na bumuto sa idinidikta ng kanilang konsensiya at hindi nagpadala sa political pressure.

“Whether bumoto sila ng yes or no, igagalang ko ang kanilang boto kung ito’y ayon sa kani-kanilang konsensya. Kawawa naman ang bumotong labag sa konsensiya at nagpadala lang sa political pressure.” pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, ikinabahala ni Bishop David ang pagpabor ng maraming mambabatas sa parusang kamatayan na pawang mga Katoliko.

Dahil sa pagkabahala, inihayag ng Obispo na napapanahon nang mabigyan ng “education of conscience” ang 126-Kongresista sa kahalagahan ng buhay.

Ang paglusot ng HB-4727 ay patunay ng pagkukulang ng Simbahan na hubugin ang konsensiya ng mga mambabatas na nagsusulong ng kultura ng kamatayan.

“Kung totoong boto ng konsensya ng nakararami iyon, ibig sabihin nagkulang talaga tayo sa paghubog ng konsensya (education of conscience) ng ating mga kongresistang Katoliko tungkol sa kabanalan ng buhay ng tao.” Giit pa ni Bishop David sa Veritas Patrol.

Samantala, kahapon ay nagpahayag na rin ng saloobin ang ilang mga Catholic schools sa pagsasagawa ng “#Noise for Life” na dinaluhan ng daan – daang mga estudyante, religious groups at pro – life advocates.

Nagpahayag na rin ng saloobin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ito magpapatinag upang harangin na tuluyang maisabatas ang House Bill 4727.(Romeo Ojero)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,306 total reads

 93,306 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,470 total reads

 170,470 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,918 total reads

 203,918 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,217 total reads

 239,217 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,111 total reads

 462,111 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top