Bishop elect ng Diocese of Boac, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,233 total reads

Humiling ng panalangin si Boac Bishop-elect Fr. Edwin Panergo habang inihahanda ang sarili sa mas malawak na misyong pagpapastol sa Simbahan ng Marinduque.

Itinalaga si Fr. Panergo ni Pope Leo XIV bilang bagong pastol ng Diocese of Boac, na halos isang taon nang sede vacante matapos ilipat si Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa Diocese of San Pablo, Laguna, noong 2024.

Buong kababaang-loob na tinanggap ng bagong hinirang na obispo ang tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng Simbahan, sa kabila ng kanyang pag-amin sa sariling kahinaan.

“Please pray for me. I know my weaknesses. I know the magnitude and the demands of the ministry that awaits me in Boac, Marinduque,” pahayag ni Bishop-elect Panergo.

Binigyang-diin ng pari na ang pagiging obispo ay hindi isang karangalan o titulo para paglingkuran, kundi isang paanyaya ng Panginoon upang maglingkod sa kapwa.

“Ang pagiging obispo ay hindi isang titulo na para bang ako ang pagsisilbihan, kundi isang paanyaya upang maglingkod,” dagdag ni Bishop-elect Panergo.

Ayon kay Bishop-elect Panergo, itinuturing niyang biyaya para sa Diocese of Lucena ang kanyang pagkatalaga bilang obispo, lalo na’t kasabay ito ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis.

Aniya, ito ay pagkakataon upang higit pang mapalawak ang misyon ng Lucena sa mga karatig-lalawigan gaya ng Marinduque.

Inanunsyo ng Vatican ang kanyang appointment noong Oktubre 4, habang kasalukuyang nagsisilbing rector ng Our Lady of Mount Carmel Seminary sa Sariaya, Quezon.

Ipinanganak sa Lucena City, si Bishop-elect Panergo ay nagtapos ng Philosophy sa St. Francis de Sales Seminary sa Lipa City, Batangas, at Theology sa St. Alphonsus School of Theology sa Lucena.

Naordinahan siyang pari ng Diocese of Lucena noong September 8, 1997, at sa kasalukuyan ay pinangangasiwaan ang Commission on Vocation ng diyosesis.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,002 total reads

 23,002 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 6,980 total reads

 6,980 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 47,543 total reads

 47,543 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 75,143 total reads

 75,143 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 123,408 total reads

 123,408 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 145,219 total reads

 145,219 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top