Pope Leo XIV, dadalaw sa Türkiye at Lebanon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,205 total views

Vatican-Inanunsyo ng Holy See Press Office na magtutungo si Pope Leo XIV sa Türkiye at Lebanon sa huling bahagi ng Nobyembre hanggang unang linggo ng Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Holy See Press Office Director Matteo Bruni, ito ang magiging unang paglalakbay sa labas ng Roma ni Pope Leo XIV mula nang siya ay mahalal bilang pinuno ng Simbahang Katolika, na inaasahang magbibigay ng bagong pag-asa at inspirasyon sa mga mananampalataya.

Ayon kay Bruni, tinanggap ng Santo Papa ang paanyaya ng mga pinuno ng estado at Simbahan sa dalawang bansa.

Bahagi ng kanyang pagbisita sa Türkiye ang paglalakbay sa İznik, bilang paggunita sa ika-1,700 anibersaryo ng Unang Konseho ng Nicaea — isang makasaysayang pagtitipon ng Simbahan na nagbunga ng Nicene Creed, ang pahayag ng pananampalatayang Kristiyano na ginagamit pa rin sa mga misa sa buong mundo.

Sa panayam ng Vatican News kay Bishop César Essayan, Apostolic Vicar ng Beirut, inilarawan niya ang nakatakdang pagbisita ng Santo Papa sa Lebanon bilang isang dakilang tanda ng pag-asa para sa mga mamamayan sa isang rehiyong matagal nang dumaranas ng kaguluhan at krisis.

Ayon sa obispo, inaasahan nilang ang pagdalaw ng Santo Papa ay magdadala ng hininga ng kapayapaan at panibagong sigla, at magsilbing paalala na ang tunay na daan ng sangkatauhan ay ang kapayapaan na nakaugat sa dayalogo, katarungan, at paggalang sa dangal ng bawat tao.

Binigyang-diin din ni Bishop Essayan na kapwa nanabik ang mga Kristiyano at Muslim sa Lebanon na salubungin si Pope Leo XIV at ang pagnanais ng mga mamamayan na marinig mula sa Santo Papa ang mga salitang nagbibigay-buhay at pag-asa, na nananawagan sa pagkakapatiran at pagkakasundo sa halip na karahasan at digmaan.

Sinabi ni Bishop Essayan, ang pagdalaw ni Pope Leo XIV ay hindi lamang isang pagbisita ng pinuno ng Simbahan, kundi isang mensahe ng pagkakaisa at pag-ibig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 21,723 total views

 21,723 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 44,875 total views

 44,875 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 114,989 total views

 114,989 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 189,603 total views

 189,603 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 268,128 total views

 268,128 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top