Pope Leo XIV sa Media: Ipatanggol ang Katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,950 total reads

Vatican- Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga mamamahayag na ipagtanggol ang katotohanan sa gitna ng laganap na disinformation at mga tangkang patahimikin ang media.

Sa kanyang talumpati sa mga kasapi ng MINDS International, isang pandaigdigang samahan ng mga pangunahing news agencies, binigyang-pugay ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na nag-uulat mula sa mga mapanganib na lugar gaya ng Gaza at Ukraine.

Pinasalamatan din ng Santo Papa ang mga journalist na patuloy na nagsasakripisyo upang maiparating ang katotohanan mula sa mga lugar ng kaguluhan.

“With your patient and rigorous work, you can act as a barrier against those who, through the ancient art of lying, seek to create divisions in order to rule by dividing,” ayon pa kay Pope Leo.

Ayon sa Santo Papa, kung alam ng mundo ang mga nangyayaring karahasan at digmaan, ito ay dahil sa katapangan at dedikasyon ng mga mamamahayag na patuloy na nagsisilbi sa kabila ng panganib.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang gawain ng mamamahayag ay hindi kailanman dapat ituring na krimen, kundi isang karapatan na kailangang ipagtanggol.

Nanawagan din ang pinunong para sa agarang pagpapalaya sa mga journalist na nakulong at inuusig dahil lamang sa kanilang pagsisikap na maibahagi ang katotohanan.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Doing the work of a journalist can never be considered a crime.It is a right that must be protected.”

Sa panahon ng mabilis na pagpapakalat ng impormasyon at fake news, pinaalalahanan ng Santo Papa ang lahat ng nasa media na manatiling tapat sa kanilang bokasyon, na maghatid ng balanseng impormasyon, may katapatan, at may malasakit sa dignidad ng tao.

“Your service requires competence, courage, and a sense of ethics,” ayon kay Pope Leo.

Giit ng Santo Papa, sa panahon ngayon ng malawak na komunikasyon at teknolohiya, wala nang puwang para sa kawalan ng kaalaman. Ang impormasyon, aniya, ay isang kabutihang panlahat na dapat gamitin hindi para sa panlilinlang, kundi upang itaguyod ang katotohanan, katarungan, at dangal ng bawat tao.

Nagbabala rin ang Santo Papa sa mga panganib ng labis na paggamit ng artificial intelligence sa pamamahayag. Ayon sa kanya, kailangang manatiling sentro ng komunikasyon ang tao, at hindi dapat pahintulutan na ang teknolohiya ang magdikta ng katotohanan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na maging tagapagtanggol ng katotohanan at sandigan ng lipunan sa panahong binabaluktot ng ilan ang mga katotohanan para sa pansariling interes.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 2,475 total reads

 2,475 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 55,262 total reads

 55,262 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 92,053 total reads

 92,053 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 124,566 total reads

 124,566 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 175,416 total reads

 175,416 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 237,039 total reads

 237,039 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top