VP Sara, pinapaimbestigahan sa OMBUDSMAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,652 total views

Bagama’t nanatili pa rin sa Supreme Court ang apela kaugnay sa impeachment proceedings na una na ring in-archive ng Senado, pinaiimbestigahan naman ng Tindig Pilipinas si Vice President Sara Duterte sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang Tindig Pilipinas ay isang koalisyon ng mga civic at church group, at political party na nanawagan ng pananagutan para sa transparency, pananagulan at paglaban sa korupsyon-ay ang parehong grupo na nagsampa ng kasong impeachment laban kay Duterte sa Mababang Kapulungan.

Sa tatlong pahinang reklamo na isinumite sa tanggapan ng Ombudsman ng Tindig Pilipinas na pinangunguhan ng mga convenors kabilang na si Francisco ‘Kiko’ Aquino Dee, hiniling ng grupo kay Justice Secretary Jose Crispin Remulla ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa bise presidente, kaugnay na rin sa mga paglabag nito base sa impeachment complaint.

Kasama sa mga paratang laban kay VP Duterte ang paglabag sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan para paslangin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Unang Ginang, at si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez; maling paggamit at paglustay ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education; at pagkakasangkot sa mga kaso ng graft, bribery, at unexplained wealth.

“The totality of respondent’s conduct as Vice President, including her commission of the foregoing acts, clearly display conduct constituting a betrayal of public trust, culpable violations of the 1987 Constitution, and graft and corruption,” ayon pa sa isimuteng reklamo.

Dagdag pa ng grupo, malinaw na nagpapakita ng pang-aabuso sa kapangyarihan ang mga alegasyon kaya’t marapat na kumilos ang Ombudsman upang mapanagot ang sinumang lumalabag sa batas.

Ayon pa sa grupo, “In this moment, when faith in our institutions has been deeply eroded, it is imperative for your Office to help the Filipino people demand much-needed accountability from those in public office. We strongly implore you to initiate a comprehensive and impartial investigation into these grave matters, not only to uphold the rule of law, but to begin the vital work of restoring public trust.”

Giit ng grupo, hindi dapat manahimik ang sambayanan sa harap ng mga ganitong kontrobersiya at nananawagan silang magsagawa ng malalim, patas, at komprehensibong imbestigasyon ang Office of the Ombudsman upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 11,280 total views

 11,280 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 34,432 total views

 34,432 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 104,545 total views

 104,545 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 179,158 total views

 179,158 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 258,475 total views

 258,475 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top