Türkiye at Lebanon, bibisitahin ni Pope Leo XIV sa Nobyembre at Disyembre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,974 total views

Inilabas na ng Vatican ang mga gawain sa unang Apostolic Journey ni Pope Leo XIV sa labas ng Italya.

Magtutungo ang Santo Papa sa Türkiye at Lebanon mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 2025, bilang paggunita sa ika-1700 anibersaryo ng Unang Konseho ng Nicea.

Ayon sa inilabas na ulat ng Vatican, magsisimula ang paglalakbay ng Santo Papa sa Ankara, Türkiye, kung saan makikipagpulong siya kay President Recep Tayyip Erdogan at sa mga kinatawan ng pamahalaan, matapos ay magtutungo sa Istanbul, ang pinakamalaking lungsod ng bansa.

Sa Nobyembre 28, makikipagkita si Pope Leo XIV sa mga obispo, pari, at layko sa Cathedral of the Holy Spirit, at bibisita rin sa mga matatanda sa tahanan ng Little Sisters of the Poor na susundan naman ng pagbisita sa Nicea, kung upang dumalo sa ecumenical prayer service malapit sa mga puntod ng sinaunang Basilica of Saint Neophytos.

Sa mga susunod na araw, inaasahang makikipagpulong ang pinunong pastol sa mga pinuno ng iba’t ibang simbahang Kristiyano, kabilang ang Ecumenical Patriarch Bartholomew I, upang lumagda sa Joint Declaration bilang simbolo ng pagkakaisa ng pananampalataya. Magdiriwang din ng Banal na Misa ang Santo Papa sa Volkswagen Arena sa Istanbul.

Sa Nobyembre 30, kasabay ng kapistahan ni San Andres Apostol, dadalo si Pope Leo XIV sa Divine Liturgy sa Patriarchal Church of Saint George at makikibahagi sa ecumenical blessing.

Pagkatapos sa Türkiye, tutungo ang Santo Papa sa Beirut, Lebanon at makikipagkita siya sa mga pangunahing opisyal ng bansa at magbibigay ng mensahe para sa mga pinuno ng pamahalaan at lipunan.

Sa Disyembre 1, bibisita si Pope Leo XIV sa puntod ni San Charbel Maklūf at sa Shrine of Our Lady of Lebanon sa Hariss.

Sa hapon, pangungunahan niya ang ecumenical at interreligious meeting sa Martyrs’ Square at makikilala rin ang kabataang Lebanese sa Bkerké.

Sa huling araw ng biyahe, Disyembre 2, dadalawin ng Santo Papa ang mga pasyente sa De La Croix Hospital, at mananalangin sa lugar ng Beirut Port explosion noong 2020 bilang paggunita sa mga nasawi.

Magtatapos ang paglalakbay sa isang Banal na Misa sa Beirut Waterfront, bago bumalik si Pope Leo XIV sa Roma sa hapon ng Martes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 21,724 total views

 21,724 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 72,408 total views

 72,408 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 78,537 total views

 78,537 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 107,949 total views

 107,949 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 125,518 total views

 125,518 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top