Special warfare and protection, exorcism at iba pa, tunghayan sa Radyo Veritas UNDAS 2025 special programs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,417 total views

Inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang lahat ng Kapanalig na makibahagi sa special programming na inihanda ng himpilan bilang pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa November 1 at 2.

Layunin ng programa na palalimin ang pag-unawa ng mga mananampalataya sa mga katesismo at turo ng simbahan hinggil sa kabanalan, kamatayan, at buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng mga talakayan at paliwanag mula sa mga exorcist ng simbahan.

Sa Nobyembre 1, tatalakayin ni San Pablo Exorcist Fr. Remo Bati kasama si Fr. Kevin Crisostomo ang paksang “Suicide: Sigurado ba silang pupunta sa impyerno? – Ano ang turo ng simbahan ukol dito?” mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Kasunod nito, sa alas-12 hanggang ala-1 ng hapon, isasagawa ang Banal na Misa na pangungunahan ni Fr. Anton Pascual sa Loyola Cemetery, Marikina City, na susundan ng mga awitin at panalangin para sa mga yumao at mga banal hanggang alas-2 ng hapon.

Mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon, ipaliliwanag naman ni Cabanatuan Exorcist Fr. Jestoni Macaspac ang paksang “House Infestation and Wandering Soul.”
Samantala, sa Nobyembre 2, magaganap mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ang talakayang “Spiritual Warfare and Protection” ni Manila Exorcist Fr. Jocis Syquia.
Susundan ito ng paksang “Bakit dalawang araw ang paggunita sa mga yumao? Totoo bang nagpaparamdam ang mga yumao?” na ibabahagi ni Bayombong Exorcist Fr. Vincent Wance mula ala-1 hanggang alas-3 ng hapon.

Sa alas-3 hanggang alas-5 ng hapon, si Manila Exorcist Fr. Bobby Dela Cruz naman ang tatalakay sa “Epekto ng Pagpapatawad sa Exorcism.”
Sa kabuuan, layunin ng Radyo Veritas 846 na maghatid ng kaliwanagan at tamang katuruan ng simbahan hinggil sa paggunita sa mga yumao at sa kabanalan ng mga santo, bilang gabay sa pananampalatayang Kristiyano.

Mapakikinggan ang special programming sa Radyo Veritas 846 sa mga talapihitan ng radyo, Cignal Cable Channel 313, at E-Radio Portal; habang mapapanood naman ito sa DZRV 846 Facebook Page, Veritas TV Sky Cable 211, at Veritas PH sa YouTube.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 15,975 total views

 15,975 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 37,250 total views

 37,250 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 210,626 total views

 210,626 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 231,725 total views

 231,725 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top