Gunitain ang UNDAS ng makakalikasan, panawagan ng ECOWASTE sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,512 total reads

Hinimok ng EcoWaste Coalition ang publiko na gunitain ang Undas o Kapistahan ng mga Banal at paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay sa paraang ligtas, payak, at makakalikasan, bilang paggalang hindi lamang sa mga yumao kundi pati na rin sa kalikasan.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, tuwing Undas karaniwang abala ang mga pamilya sa paglilinis ng puntod, paghahanda ng pagkain, at pag-aalay ng kandila at panalangin para sa mga yumao.

Gayunman, paalala ni Tolentino, dapat maging responsable rin ang bawat isa sa tamang pamamahala ng basura, gayundin ang paggamit ng non-lead paint sa pagpipintura ng mga puntod upang maiwasan ang panganib sa kalusugan.

“Sa paglilinis, kailangan po ang lahat ng mga basura na kanilang malilikom doon sa puntod… lahat dapat iyon ay nalilikom at hindi itatambak kung saan-saan lang at ito po’y bawal sunugin… Dapat po, kung gagamit tayo ng mga pintura para mas ligtas, should be non-lead – yung mga pintura na walang tingga,” ayon kay Tolentino sa panayam sa programang Barangay Simbayanan.

Hinikayat din ng EcoWaste ang mga pamilya na maghanda lamang ng pagkaing kayang ubusin upang maiwasan ang pag-aaksaya.

Iminungkahi ni Tolentino ang paggamit ng reusable containers at water jug o tumbler upang maiwasang lumikha ng basura tulad ng single-use plastics at mga bote ng tubig.

“Kapag ang pagkain po kasi ay nilagay sa mga plastic, ito po ay nahahaluan na po ng kemikal na galing po sa mga plastic,” ayon kay Tolentino.

Sa pag-aalay naman ng kandila, hinihikayat ang paggamit ng non-scented candles at iwasan ang mga plastic holder na maaaring masunog at maglabas ng kemikal.

Mas mainam din, ayon sa grupo, kung ang mga bulaklak na iaalay ay mga buhay na halaman sa paso upang maaari pang alagaan at magamit muli sa susunod na taon.

Samantala, binigyang-diin din ni Tolentino ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, na nagbabawal sa pagkakalat at pagtatambak ng basura.

“Kahit balat ng kendi, may katumbas na multa. Hindi tayo ligtas sa parusa,” babala niya.

Ibinahagi rin ni Tolentino na nagsagawa ang EcoWaste Coalition, kasama ang mga kinatawan ng Miss Earth Philippines, ng maikling programa sa Manila North Cemetery upang hikayatin ang pamunuan ng sementeryo na maglagay ng waste bins na may tamang label sa loob ng lugar.

Tiniyak naman ng grupo ang mas mahigpit na kampanya laban sa paggamit ng single-use plastics, matapos mapansin na karamihan sa mga nagtitinda sa labas ng sementeryo ay gumagamit pa rin ng mga plastic bag dahil ito ang mas abot-kaya at madaling hanapin.

“Sa amin pong adbokasiya, hindi po ‘yung readily available at ‘yung convenience ang aming tinitignan, kundi ‘yung pangmatagalang epekto nito para sa mga tao at sa [mga] susunod na henerasyon,” saad ni Tolentino.

Una nang hinimok ng mga obispo ang mga mananampalataya na ipagdiwang ang Undas nang may kabanalan at pagsasaalang-alang sa kalinisan ng kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,120 total reads

 49,120 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,817 total reads

 128,817 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,264 total reads

 162,264 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,562 total reads

 197,562 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,170 total reads

 422,170 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,902 total reads

 156,902 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top