National State of calamity, idineklara ng pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,203 total reads

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magdeklara ng state of national calamity bunsod ng malawakang pinsalang idinulot ng bagyong Tino at ng panibagong bagyong inaasahang papasok sa bansa.

“Because of the scope of problem areas that have been hit by Tino and will be hit by Uwan, there was a proposal from the NDRMC which I approved that we will declare a national calamity,” ani ng Pangulo matapos ang kanyang briefing kasama ang NDRRMC.

Ayon kay Marcos, 12 rehiyon ang direktang naapektuhan o maaapektuhan ng sunod-sunod na bagyo, kabilang na ang Region 6, 7, 8, at Negros Island Region.

“Mabigat talaga ang pagkatama sa Cebu, actually Region 6, 7, 8, Mimaropa, umabot sa Negros Island Region,” saad ng Pangulo.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, patuloy ang ginagawang relief at support operations ng pamahalaan, katuwang ang mga local government units (LGUs) at mga first responders, upang masiguro ang agarang tulong sa mga nasalanta.

“We are doing our usual relief and support activities para lahat ng mga displaced, lahat ng naging biktima ay matutulungan natin ng pamahalaan,” paliwanag ni Marcos.

Gayunman, binigyang-diin din ng Pangulo na habang patuloy ang pagtugon sa mga apektado ng Bagyong Tino, nakatutok na rin ang pamahalaan sa paghahanda laban sa panibagong bagyong “Uwan”, na posibleng ding tumama sa hilagang bahagi ng Luzon, partikular sa Cagayan.

“Unfortunately, meron tayong inaabangan na parating na may potensyal na maging mas malakas pa—itong napangalanang ‘Uwan.’ So we are also preparing for that,” aniya.

Ayon pa sa Pangulo, “The casualty count is very high. I do not want to give a number because we are still in the process of validating all the numbers about the damages.”

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng Malacañang, NDRRMC, at mga lokal na pamahalaan para sa mas pinabilis na distribusyon ng tulong at pagpapatatag ng mga evacuation centers sa mga rehiyong lubhang sinalanta ng bagyo.

Ang pagdedeklara ng state of national calamity ay magpapabilis sa paglalabas ng pondo at paggalaw ng mga ahensya ng pamahalaan upang agarang maihatid ang ayuda, rehabilitasyon, at serbisyong medikal sa mga apektadong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,396 total reads

 28,396 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,353 total reads

 65,353 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,564 total reads

 83,564 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,892 total reads

 167,892 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,970 total reads

 203,970 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top