Cardinal David, nanawagan kay PBBM na bumuo ng National Truth and Reconciliation Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,911 total views

Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ng National Truth and Reconciliation Commission bilang hakbang tungo sa katotohanan, katarungan, at paghilom ng bansa mula sa karahasang idinulot ng drug war ng nakaraang administrasyon.

Sa liham, sinabi ni Cardinal David na patuloy pa ring nagdadalamhati ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa extrajudicial killings sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“These families did not only lose their loved ones-they lost their sense of security, their trust in public institutions, and, in many cases, their means of livelihood.” bahagi ng liham ni Cardinal David.

Binanggit ng kardinal ang mga testigong naglakas-loob na humarap sa Kongreso upang isalaysay ang sistematikong pagpatay at maling paggamit ng pondo ng bayan upang pondohan ito.

Gayunman, iginiit ni Cardinal David na nanatiling walang malinaw na resolusyon ang mga pagdinig dahil ito ay isinagawa lamang “in aid of legislation,” at hindi para sa pag-uusig ng mga sangkot.

Sa kabila nito, libu-libong kaso pa rin ang nananatiling nakatala bilang Deaths Under Investigation o DUI, na nagsisilbing panakip-butas sa mga mamamatay-taong binabayaran upang pumatay.

“The families of the victims, many of whom have lived in fear for years, have every right to demand that these cases be revisited and that answers be given. They deserve closure. Our institutions deserve restoration. Our nation needs healing,” giit ni Cardinal David.

Kaugnay nito, hiniling ni Cardinal David kay Pangulong Marcos ang pagbuo ng Truth and Reconciliation Commission na magsisilbing daan tungo sa katotohanan, pananagutan, at paghilom ng sambayanan.

Aniya, hindi ito paghihiganti, kundi pagtataguyod ng katotohanan at pagbabalik ng tiwala, dignidad, at katarungan ng bawat Pilipino.

“Truth-telling is not an act of reopening wounds— it is the only path by which wounds can finally heal. Silence breeds resentment and fear; truth restores dignity, trust, and moral coherence to our democracy,” saad ni Cardinal David.

Naniniwala ang kardinal na ang hakbang na ito ay magiging makasaysayang pagkakataon para ipakita ng pamahalaan na pinipili ng bansa ang katapangan, pananagutan, at pagkakasundo, sa halip na takot, kawalang-malasakit, at pananahimik.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 74,973 total views

 74,973 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 149,587 total views

 149,587 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 229,666 total views

 229,666 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 272,805 total views

 272,805 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 269,275 total views

 269,275 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top