Huwag mapagod tumulong at magmalasakit sa kapwa, paalala ng Obispo sa mga Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,217 total reads

Sa gitna ng magkakasunod na kalamidad na patuloy na kinakaharap ng bansa, nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Pilipino na huwag mapagod na magbahagi ng tulong, malasakit, at pananampalataya sa kapwa.

Kinikilala rin ni Bishop Santos ang labis na pagod ng taumbayan matapos ang sunod-sunod na sakuna na sumubok sa kabuhayan at katatagan ng bawat pamilya.

“When disasters come one after another, it is natural to feel drained — emotionally, financially, even spiritually. Fatigue is a human sign that we have been loving and laboring. Give what you can without losing yourself. These acts are signs through which God’s mercy reaches others and renews you,” ayon kay Bishop Santos.

Ngunit sa gitna ng pagkapagal, pinaalalahanan ng obispo ang mga Pilipino na huwag hayaang mamatay ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa at bayanihan.

“Compassion is not a resource that runs dry; it is a grace that multiplies when shared,” ayon pa kay Bishop Santos.

Binigyang-diin rin niya na ang pagpapahinga ay bahagi ng paglilingkod. “Rest is a Christian duty; replenishing your strength is not selfish but necessary so you may continue to serve.”

Para sa mga simbahan at parokya, hinimok ng obispo ang mga pinuno ng Simbahan na maging bukal ng pag-asa sa komunidad. Dapat aniya ay hikayatin ang mga mananampalataya na tumulong sa abot ng makakaya—sa pamamagitan man ng oras, dasal, o presensya. “Not everyone can give money, but many can give time, skills, prayers, or presence,” giit ni Bishop Santos.

Dagdag pa niya, dapat ding alagaan ang mga tumutulong.

“Volunteers, donors, and responders need spiritual nourishment too. Remind them that they are not alone — that the Church walks with them, and Christ strengthens them.”

Sa kabila ng mga trahedya, nanindigan ang obispo na pananampalataya pa rin ang pinakamatibay na sandigan ng Pilipino.

“Faith is the anchor in the storm. It does not erase suffering, but it gives it meaning,” paliwanag ni Bishop Santos.

Paalala pa ng obispo, “When we look at the Cross, we see pain — but we also see love, sacrifice, and resurrection. No storm is greater than God’s mercy.”

Muling paalala ni Bishop Ruperto Santos na manatiling maging mahabagin, magkaisa, at may pananampalataya lalo’t sa bawat kamay na tumutulong, at sa bawat pusong nagmamalasakit, naroroon ang awa at presensya ng Diyos.

Sa pinakahuling ulat, may dalawa katao na ang nasawi sa Super Typhoon Uwan, habang hindi naman bababa sa 200 ang nasawi sa bagyong Tino – na ang pinakamalaking bilang ay mula sa lalawigan ng Cebu at Negros Island Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,040 total reads

 79,040 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,208 total reads

 157,208 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,656 total reads

 190,656 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,952 total reads

 225,952 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,323 total reads

 449,323 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top