“God’s saving love is for everyone,”- Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,730 total reads

Pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na ang kaligtasang handog ng Diyos ay tanda ng Kanyang dakilang pag-ibig para sa lahat ng tao.

Sa kanyang general audience sa St. Peter’s Square sa Vatican, ipinagpatuloy ng Santo Papa ang kanyang katesismo hinggil kay Jesus bilang tunay na pag-asa ng sanlibutan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee of Hope ng Simbahan.

Hinimok ni Pope Leo XIV ang bawat Kristiyano na maging kasangkapan ng Diyos sa pagpapadama ng pag-asa at pagmamahal, lalo na sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

“God’s saving love is for everyone, no exceptions. May the Lord free us from all selfishness and division and renew us in hope that we may faithfully imitate his generous love for all people,” ayon sa Santo Papa.

Binigyang-diin ng santo papa na mahalagang magbuklod ang mga Kristiyano sa diwa ng pag-ibig at pagtutulungan, at huwag talikuran ang mga kapwa nangangailangan.

“As brothers and sisters in Christ, we build bonds of unity and trust when we support each other and do not turn our backs on those in need,” dagdag pa ni Pope Leo XIV.

Iginiit ng Santo Papa ang halimbawa ni San Francisco ng Assisi, na tumuturing sa lahat bilang kapatid at naniniwalang bawat tao ay may parehong pangangailangan, ang ang paggalang, pagtanggap, pakikinig, at kaligtasan.

Bilang pagninilay, inalala ni Pope Leo XIV ang mga lugar sa mundo na patuloy na nakararanas ng karahasan at pagdurusa, lalo na ng mga inosenteng sibilyan, kabataan, at mga kabilang sa mahihinang sektor.

Nanawagan ang Santo Papa na pairalin ang diwa ng pag-ibig at pagkakaisa sa mga pamayanan upang makamit ang tunay na kapayapaan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 86,441 total reads

 86,441 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 180,471 total reads

 180,471 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 224,739 total reads

 224,739 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 247,848 total reads

 247,848 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 319,091 total reads

 319,091 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top