Parokya sa Maynila, idideklarang minor basilica

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,856 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng Sta. Cruz Parish sa Maynila ang mananampalataya na makibahagi sa maringal at makasaysayang deklarasyon ng simbahan bilang minor basilica.

Sa pahayag ng dambana, gaganapin sa November 21 ang rito ng pagtatalaga na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, habang si Balanga Bishop Rufino Sescon, Jr. naman ang magbibigay ng homiliya.

“Let us come together in thanksgiving and joy as our parish is officially declared a Minor Basilica under the patronage of Nuestra Señora del Pilar,” ayon sa pahayag ng dambana.

Magsisimula ang pagdiriwang sa alas-dos ng hapon, na susundan ng prusisyon sa mga pangunahing lansangan na sakop ng parokya.

Upang bigyang-daan ang makasaysayang okasyon, ipinagpaliban ng parokya ang mga regular na misa sa alas-singko at alas-sais ng hapon upang makalahok ang buong komunidad sa pagdiriwang.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, inaprubahan ng yumaong Pope Francis ang kahilingan ng parokya na ideklara ang Sta. Cruz Parish bilang minor basilica sa ilalim ng patronahe ng Nuestra Señora del Pilar.

Ang pagkilalang ito ay iginagawad sa mga simbahan na may makasaysayang at kultural na kahalagahan, artistikong kagandahan, at mahalagang papel sa buhay ng Simbahan.

Ang pagiging minor basilica ay sagisag ng mas malapit na ugnayan sa Santo Papa, kalakip ng iba’t ibang pribilehiyo tulad ng paglalagay ng mga simbolo ng Papa sa loob ng dambana.

Itinatag ang Sta. Cruz Parish noong 1619 ng mga misyonerong Heswita na naglilingkod noon sa Chinese community sa lugar.

Noong 1643, idinambana nila ang replica ng Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza mula sa Spain.

Dahil sa mga kalamidad at digmaan, ilang ulit na nasira ang simbahan, at ang kasalukuyang estruktura ay natapos lamang noong 1957.

Noong 1984, ibinalik ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ang pangalan na Sta. Cruz Parish, habang itinalaga naman si St. Peter Julian Eymard bilang ikalawang patron ng parokya.

Nang pangasiwaan ng Blessed Sacrament Fathers and Brothers ang parokya noong 1950, higit pang lumago ang debosyon sa Banal na Eukaristiya at sa Adoration of the Blessed Sacrament.

Noong 2018, idineklara ni noo’y Arsobispo ng Maynila Cardinal Luis Antonio Tagle ang parokya bilang Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament.

Kamakailan lamang, nitong Oktubre 2025, pinangunahan ni Cardinal Advincula ang muling pagdambana ng Nuestra Señora del Pilar de Manila sa main altar ng simbahan, matapos ang halos isang siglo ng pananatili ng imahe sa side altar ng basilica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,086 total reads

 47,086 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,876 total reads

 83,876 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 116,974 total reads

 116,974 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,204 total reads

 168,204 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,832 total reads

 229,832 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top