Misyonerong Aleman na naglingkod sa mga Katutubong Mangyan ng Mindoro, pumanaw

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,226 total reads

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) sa pagpanaw ni Fr. Ewald “Amang” Dinter, SVD.

Si Fr. Dinter ay isang German missionary na kilala sa kanyang panghabambuhay na paglilingkod at pakikiisa sa mga pamayanang katutubo, lalo na sa mga Mangyan ng Mindoro.

Pumanaw ang pari dakong alas-9:07 ng gabi noong Biyernes, November 14, 2025, sa University of Santo Tomas (UST) Hospital sa Maynila.

Ayon kay CBCP-ECIP outgoing chairman, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, isang tunay na misyonero si Fr. Dinter na inilaan ang buhay sa pagtataguyod ng dignidad, karapatan, at kultura ng mga katutubo.

“His gentle presence, deep humility, and unwavering solidarity earned him the trust, affection, and lasting gratitude of the communities he served,” pahayag ni Bishop Dimoc.

Nagsilbi si Fr. Dinter bilang Executive Secretary ng CBCP-ECIP mula 2010 hanggang 2013, at bilang Indigenous Peoples Apostolate South–Central Luzon Regional Coordinator mula 1993 hanggang 2010.

Nahalal rin siya bilang Provincial Superior ng SVD Philippines noong 1979 at nanatiling pinuno ng Central Province matapos hatiin ang SVD sa tatlong probinsya noong 1982. Sandali rin siyang naging Rector ng Christ the King Seminary habang nananatiling provincial councilor.

Noong 1986, tuluyang inialay ni Fr. Dinter ang kanyang sarili sa paglilingkod sa mga Mangyan, kung saan matagal siyang namuhay kasama nila, nagturo, nagtaguyod ng edukasyon, itinatag at pinamunuan ang Mangyan Education Center, at kalaunan ay hinirang bilang Episcopal Vicar para sa Mangyan Missions.

“His life and witness continue to inspire our ministry among Indigenous Peoples throughout the country. We give thanks to God for the gift of Amang Dinter’s life. May he now rest in the peace of the Creator whom he served so faithfully,” ayon kay Bishop Dimoc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,006 total reads

 17,006 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,848 total reads

 54,848 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,058 total reads

 73,058 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,387 total reads

 157,387 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,959 total reads

 193,959 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,270 total reads

 80,270 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top