Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Programang tututok sa talamak na korapsyon sa Pilipinas, ilulunsad ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,467 total views

Ilulunsad ng Radyo Veritas ang programang tututok sa mga maiinit na isyu ng bansa, partikular na sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.

Ang bagong programa, SABADIHA (Sama-samang Bayanihan para sa Demokrasya, Integridad, at Hustisyang Aksyon), ay naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa pagsusulong ng transparency at pananagutan sa pamahalaan.

“Corruption remains the most pervasive and debilitating threat to Philippine democracy. SABADIHA calls people to make noise right where corruption hides,” ayon sa pahayag ng grupo.

Hihikayatin ng programa ang publiko na manindigan laban sa katiwalian at panagutin ang mga opisyal na sangkot sa mga iregularidad.

Bahagi rin nito ang paghimok sa mga Pilipino na maging aktibong tagamasid sa paggamit ng pondo ng bayan at makilahok sa pagtukoy at pag-uulat ng mga anomalya.

“SABADIHA aims to awaken moral courage and civic energy by giving citizens the means to document, report, and act against corruption,” dagdag pa ng pahayag.

Sa tulong ng mga citizen volunteers, ilalantad ng programa ang mga kaso ng korapsyon sa pamamagitan ng masusing pagmamanman, dokumentasyon, at beripikadong pag-uulat mula sa iba’t ibang komunidad.

Mapakikinggan ang SABADIHA tuwing Biyernes simula Nobyembre 21, mula alas-singko hanggang alas-sais ng hapon sa Radyo Veritas.

Sa unang episode, tampok ang panayam kina Caloocan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, at Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.

Mapapanood din ang programa sa Veritas TV sa Skycable 211, DZRV 846 Facebook page, at Veritas PH YouTube channel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 7,300 total views

 7,300 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 74,788 total views

 74,788 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 95,853 total views

 95,853 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 118,651 total views

 118,651 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 155,733 total views

 155,733 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top