Prayer Caravan for Integrity and Conversion, isasagawa ng Diocese of Bacolod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,519 total views

Magsasagawa ang Diyosesis ng Bacolod ng isang malawakang Prayer Caravan for Integrity and Conversion bilang pagpapalalim sa pananampalataya at pagkilalang si Kristo ang tunay na Hari ng sanlibutan sa ika-23 ng Nobyembre, 2025 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Ayon sa pamunuan ng diyosesis, layunin ng nakatakdang gawain na ipahayag ang sama-samang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa anumang uri ng katiwalian sa lipunan.

Layunin din ng Prayer Caravan for Integrity and Conversion na patuloy na ipahayag ang panawagan ng Diyosesis ng Bacolod para sa pananagutan, katapatan, katarungan, at moral na pagbabagong-loob sa pamayanan.

“On the Feast of Christ the King, the Diocese of Bacolod will lead a diocesan-wide Prayer Caravan for Integrity and Conversion to deepen the faithful’s celebration of Christ’s sovereign rule and to express the Catholic Church’s collective stand against corruption. The initiative forms part of the diocese’s ongoing call for accountability, transparency, justice, and moral renewal.” Bahagi ng pahayag ng Diyosesis ng Bacolod.

Nilinaw naman ng pamunuan ng diyosesis na hindi ito isang political rally, kundi isang taimtim na prayer rally kung saan itatalaga ng mga mananampalataya ang buong Diyosesis ng Bacolod at maging ang buong bansa sa paghahari ni Hesukristo.

Tampok din sa pagdiriwang ang ika-100 taon ng pagkakatatag ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa Simbahang Katolika.

“The Diocese emphasized that the activity is not a political demonstration but a prayerful rally in which the faithful will consecrate the Diocese of Bacolod and the whole nation to the kingship of Jesus Christ. This year also marks the 100th anniversary of the institution of the Feast of Christ the King.” Dagdag pa ng Diyosesis ng Bacolod.

Inaanyayahan ang lahat ng mga parokya, kapilya, paaralang Katoliko, at iba’t ibang organisasyong layko at relihiyoso na makibahagi sa nakatakdang Prayer Caravan for Integrity and Conversion.

Hinihikayat din ang mga makikibahagi sa gawain na magsuot ng puti, magdala ng white ribbons o maliit na puting watawat, habang tanging mga placards mula sa mga organizer ang pahihintulutan, at hindi rin papayagan ang anumang pag-rally o pag-chant, bilang pagpapakita na ito ay isang payapa at taimtim na gawain na nakatuon sa paggunita ng Simbahan ng Jubilee Year of Hope bilang Pilgrimage of Hope na isang paglalakbay-panalangin para sa kapayapaan at pagbabagong-loob.

“Parishes, chaplaincies, Catholic schools, and various lay and religious organizations are encouraged to participate in the simultaneous caravan. Participants are asked to wear white, bring white ribbons or flags, and carry essential items. Placards will be limited to those distributed by organizers, and no chanting will be permitted, underscoring the event’s nature as a Pilgrimage of Hope.” Ayon pa sa Diyosesis ng Bacolod.

Magsisimula ang Prayer Caravan sa pagtitipon ng bawat parokya bago magtungo sa mga nakatalagang tatlong convergence points, susundan naman ito ng isang Holy Hour, sabayang prusisyon, at concelebrated Mass na sasamahan ng pagbabasbas at ng Act of Consecration of the Human Race to the Sacred Heart of Jesus.

Inaasahan ng Diyosesis ng Bacolod na ang gawaing ay magsisilbing panawagan tungo sa panibagong buhay, paninindigan para sa katotohanan, at muling pagkilala sa kataas-taasang paghahari ni Kristo sa lipunan at sa bansang Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 7,559 total views

 7,559 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 58,243 total views

 58,243 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 64,372 total views

 64,372 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 94,286 total views

 94,286 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 113,031 total views

 113,031 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top