2,003 total views
Patuloy ang malawakang pamamahagi ng Caritas Manila ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, nagugutom sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa pakikipagtulungan kay Dr.George SK Ty, ibinahagi ng Caritas Manila ang maagang pamasko ng “bag of blessings” sa mahihirap na pamilya sa Our Lady of the Airways Parish.
Nagpapasalamat ang CARITAS-ISLAS sa mga donors, SSDM volunteers at YSLEP scholars na naglaan ng kanilang oras, dedikasyon at talent upang maisakatuparan ang patuloy na paglingap sa mga mahihirap.
“Maraming salamat pong muli to our ever-faithful donors and partners who continue to make this mission possible and to our dedicated SSDM volunteers and YSLEP scholars from the Vicariate of Sta Clara de Montefalco who serve with so much love and humility. Your presence, your energy, and your compassion made all the difference. Sa mahal kong mga ka-Team sa ISLaS,” ayon sa mensahe ng Caritas – Institute of Servant Leadership and Stewardship.
Sa pakikipagtulungan naman sa Joy Nostalg Foundation ay nabigyan ng relief pack assistance ang 500 pamilya na nasalanta ng Bagyong Uwan sa Sto. Rosario Parish, Brgy. Bulacus, Masantol, Pampanga.
Habang 600 pamilyang biktima nang pananalasa ng Bagyong Uwan naman ang napamahagian ng kanilang mga pangunahing pangangailangan sa San Jose Nueva Ecija at Baler Aurora.
“This initiative is part of the Joy Kalingap – Ligaya ng Kalingap Relief Response Program, continuing to bring care and comfort to communities in need,” ayon pa sa mensahe ng Caritas Manila.
Sa kabuuan, umabot sa ₱9,060,800 ang tulong na naipamahagi ng Caritas Manila sa mga nasalanta ng kalamidad at lindol.




