Gamitin ang teknolohiya upang palalimin ang pananampalataya, apela ng Santo Papa sa kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,468 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang kabataan na gamitin ang teknolohiya upang palalimin ang kanilang pananampalataya at mapalapit kay Hesus, habang patuloy ding pinananatili ang ugnayan sa kapwa at masigasig na pakikibahagi sa Misa.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa mahigit 15,000 kabataan mula sa buong Estados Unidos na nakipagtagpo sa kanya sa pamamagitan ng video link sa National Catholic Youth Conference sa Indianapolis, Indiana.

Hinikayat ng Santo Papa ang kabataan na palakasin ang kanilang pagkakaibigan kay Kristo, maging mas masigasig sa panalangin, at lumahok sa mga gawaing pang-parokya upang lalo pang lumago ang kanilang pananampalataya.

Tinalakay rin ang mental health at depresyon, at pinayuhan ang kabataan na humingi ng gabay sa Diyos at sa mga pinagkakatiwalaang nakatatanda, at manalangin para sa mga tunay na kaibigan na magiging katuwang na hanapin si Hesus sa gitna ng hamon ng buhay.

Binanggit din ni Pope Leo na ang teknolohiya ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa panalangin, pagbabasa ng Bibliya, at pag-aaral ng pananampalataya, subalit hindi nito mapapalitan ang personal na ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

“Be careful that your use of AI does not limit your true human growth.” Use it in such a way that, if it disappeared tomorrow, you would still know how to think, create, and act on your own. Remember: AI can never replace the unique gift that you are to the world,” ayon pa sa mensahe ng Santo Papa.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Technology can help us do many things and even really help us live our Christian faith. “It also gives us amazing tools for prayer, reading the Bible, and learning more about what we believe.”

Hinikayat rin ng pinunong pastol ang kabataan na tuklasin ang kanilang bokasyon, maging sa pag-aasawa, pagka-pari, o relihiyosong buhay.

Paalala pa ng Santo Papa, ang kabataan ay dapat maging kaibigan ni Kristo at tagapamagitan ng kapayapaan, at iwasan ang paggamit ng pulitikal na pananaw sa usapin ng pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,861 total reads

 44,861 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,743 total reads

 124,743 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,190 total reads

 158,190 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,488 total reads

 193,488 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,297 total reads

 418,297 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 15,807 total reads

 15,807 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top