Ligtas at maayos na Nazareno 2026, tiniyak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,286 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno ang mas ligtas at maayos na traslacion sa Nazareno 2026 sa Enero 9, kasunod ng isinagawang walkthrough sa buong ruta ng prusisyon.

Ayon kay basilica rector at parish priest Fr. Ramon Jade Licuanan, pangunahing layunin ng walkthrough ang masuri ang kalagayan ng mga kalsadang daraanan ng andas, lalo’t inaasahan ang mahigit walong milyong debotong lalahok sa kapistahan.

“It’s all about safety. Safety will come after good preparedness. We’re talking about a cumulative number of more than 8 million, so it’s quite substantial,” pahayag ni Fr. Licuanan sa Radyo Veritas.

Binanggit ng pari na maging ang maliliit na lubak at nakaharang na istruktura sa makikitid na kalsada ay maaaring magdulot ng pinsala sa mga nakapaa at siksikang deboto.

Dahil dito, hinimok niya ang mga residente at barangay na nakasasakop sa ruta na tumulong sa paglilinis at pag-aalis ng anumang sagabal sa daan.

“Kaya ang hiling namin ay personal initiative ng mga residente, together with the barangay, na maging malinis at ligtas ang mga lansangan sa pagdaan ng ating Traslacion,” dagdag ng pari.

Inihalintulad ni Fr. Licuanan ang paghahanda sa ginawa ni San Juan Bautista, patron ng Quiapo Church, na “naghanda ng daraanan ng Panginoon.”

“Si San Juan Bautista ang naghanda sa daraanan ng Panginoon; ngayon ginagawa rin natin iyon para sa pagdating ng Poong Hesus Nazareno kasama ang mga deboto,” paliwanag ni Fr. Licuanan.

Kalahok sa walkthrough mula Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo Church ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, security forces, Hijos del Nazareno, at media.

Muling gagamitin ang nakagawiang ruta ng prusisyon na dadaanan ang tatlong malalaking parke at plaza, pitong tulay, isang underpass, at 18 national at city roads.

Patuloy ang puspusang paghahanda ng basilica para sa mga gawain ng Nazareno 2026, kabilang ang National Balangay Conference sa Nobyembre 26 na lalahukan ng mga Hijos del Nazareno na katuwang sa pangangasiwa ng kapistahan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 16,119 total reads

 16,119 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 34,099 total reads

 34,099 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 62,658 total reads

 62,658 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 110,923 total reads

 110,923 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 133,012 total reads

 133,012 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 231,066 total reads

 231,066 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top