Archdiocese of Zamboanga,magsasagawa ng Pilgrim Walk: A call for accountability and justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,776 total views

Makiisa ang Archdiocese of Zamboanga sa nalalapit na kilos protesta na nananawagan ng katotohanan, katarungan, at pananagutan sa harap ng trilyong pisong nalustay sa katiwalian at maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng arkidiyosesis na mahaba pa ang laban ng sambayanang Pilipino upang mabunyag ang katotohanan at mapanagot ang mga sangkot, lalo na sa mga proyektong gaya ng mga flood control program na iniulat na pinagmumulan ng iregularidad.

Kasabay nito, nanawagan sila ng panalangin para sa “pagpapanibago ng puso” ng mga nasa likod ng katiwalian, na anila’y higit na nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan.

“Return the people’s money, imprison the corrupt, uphold the constitution, and let us pray that those who have done wrong may repent and be transformed,” ayon sa pahayag ng Archdiocese of Zamboanga.

Bilang konkretong hakbang, magsasagawa ang Archdiocese of Zamboanga ng Pilgrim Walk: A Call for Accountability and Justice sa November 30, na sisimulan sa Centro Pastoral, Puerto del Sol, Gov. Camins Avenue.

Inaanyayahan nito ang mga paaralan, parokya, pastoral councils, at iba pang civic organizations na makilahok upang ipakita ang pagkakaisa ng mga taga-Zamboanga sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.

“The people of Zamboanga stand in synodality, calling for accountability, justice, and good governance,” dagdag ng arkidiyosesis.

Ang aktibidad ay nakahanay sa mas malawak na kilos-protesta na “Trillion Peso March” na gaganapin sa EDSA People Power Monument sa Quezon City, na lalahukan ng iba’t ibang sektor kabilang ang Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 10,266 total views

 10,266 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 32,271 total views

 32,271 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 56,613 total views

 56,613 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 80,687 total views

 80,687 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 115,788 total views

 115,788 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top