Reporma, pananagutan at common good, hamon ni Cardinal Advoncula sa mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,142 total reads

Nanawagan ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula para sa reporma, pananagutan, at kabutihang panlahat.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Cardinal na ibinahagi ni Rev. Fr. Jerome Secillano na siyang Minister ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila at rector ng EDSA Shrine para sa 1st Good Governance Summit na pinangunahan ng One Godly Vote – C.A.R.E. at ng Public Affairs Ministry ng arkidiyosesis.

Sa harap ng mga lay leaders, barangay leaders, at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang mabuting pamamahala ay hindi lamang tungkuling politikal kundi isang moral at espirituwal na pananagutan.

Ayon sa Cardinal ang mabuting pamamahala o good governance ay naka-ugat sa likas na kabutihan ng tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

“Ang good governance o responsableng pamamahala ay naka-ugat o mahigpit na kaugnay ng dangal ng tao. Nilikha tayong kalarawan at kawangis ng Diyos. Likas sa atin ang mamuhay ng marangal, matuwid, at mabuti. Hindi tayo nilikhang masama o alagad ng kadiliman. Ginawa Niya tayong katiwala at kamanlilikha sa lahat ng Kaniyang mga ginawa.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Paliwanag ng Cardinal ang katiwalian ay hindi lamang paglabag sa batas ng tao kundi pagyurak sa dignidad na ipinagkaloob ng Diyos.

Giit ni Cardinal Advincula, kapag nagnanakaw ang isang opisyal o hindi nagiging tapat sa serbisyo ay dinudungisan nito ang larawan ng Diyos sa kaniyang buhay.

“Kailangang maramdaman ng bawat isa sa atin na kapag nagnanakaw ang isang opisyal ng gobyerno o kapag hindi siya tapat sa kaniyang serbisyo, ito ay pagyurak o kawalan ng respeto una sa kaniyang sarili at pangalawa sa ating lahat. Kapag hindi ginagawa ng tao ang tama, sa pulitika man o sa ibang larangan, dinudungisan niya ang larawan ng Diyos sa kaniyang buhay.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Samantala, nagbigay naman si Cardinal Advincula ng tatlong pangunahing gabay para sa sinumang nagnanais magsulong ng tunay na reporma.
Pagbabahagi ng Cardinal, mahalaga ang dangal, pananagutan, at misyon ni Kristo bilang pangunahing gabay lalo na para sa mga lingkod bayan na dapat ay ganap na nagsusulong ng kapakanan at kabutihan ng mamamayan.

Nagpaabot naman ng panalangin si Cardinal Advincula para sa pagbabalik-loob ng mga lider na naligaw ng landas, maging sa pamahalaan o sa Simbahan.
Ayon sa Cardinal, nawa ay muling pakinggan ng bawat isa ang tinig ng Diyos at muling bumalik sa landas ng Panginoon.

“Sama-sama tayong magdasal para sa pagbabalik-loob ng mga naligaw ng landas. Nawa’y mahanap ng Mabuting Pastol ang mga naligaw na tupa at mga naging tiwali na katiwala. We pray for the conversion of hearts of our leaders not just in politics but even in our churches as well. It is about time that we stop saying, “Mahiya naman kayo.” Let us appeal more to their inner sense of God and say, “Makonsiyensa naman kayo.” Pakinggan niyo naman ang tinig ng Diyos sa inyong kalooban.” Ayon pa kay Cardinal Advincula.

Pinasalamatan din ng Cardinal ang mahigit sa 100 mga dumalo sa kauna-unahang Good Governance Summit mula sa iba’t ibang parokya at barangay na nasasakop ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Idinaos ang 1st Good Governance Summit sa San Andres Sports Complex ngayong ika-29 ng Nobyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 41,820 total reads

 41,820 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 76,495 total reads

 76,495 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 105,389 total reads

 105,389 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 141,871 total reads

 141,871 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 157,533 total reads

 157,533 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top