Manatiling simbolo ng tapang at pagkakaisa, mensahe ni PBBM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,748 total reads

Pangulong Marcos sa ika-162 kaarawan ni Gat. Bonifacio:
“Isapuso ang tungkuling wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa Inang Bayan”

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nanatiling simbolo ng tapang at pagkakaisa ng Filipino si Gat Andres Bonifacio.

Ito ang mensahe ng Pangulo kasabay na rin ng pagdiriwang ng buong bansa ng ika-162 kaarawan ng tanyag na bayani ng bansa.

Ayon sa Pangulo, tinuruan ni Bonifacio ang mamamayan ng bansa na lumaban sa pang-aapi at pahalagahan ang kalayaan.

“Bagaman higit isang siglo na ang nakalipas, patuloy siyang nagbibigay-inspirasyon sa bawat isa sa atin, at pinangingningas rin ng kanyang alaala ang ating determinasyong pangalagaan ang kasarinlan kanyang ipinaglaban noon at ating pinahahalagahan ngayon,” ayon sa mensahe ng Pangulong Marcos.

Gayundin ang pagbibigay halaga sa naging tungkulin ng Katipunan na itinatag ni Bonifacio upang makamit ang kasarinlan ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na ang tunay na kabayanihan ni Bonifacio ay nakaugat sa kanyang pagmamahal sa bayan at sa paghahangad ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Kaya’t panawagan ang Pangulo na ipagpatuloy ng bawat mamamayan ang malasakit sa bayan at ang pakikipagtulungan para sa isang maunlad at mapayapang Pilipinas.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, “Tulad ni Gat Andres, pangalagaan natin ang ating dangal at manatiling puspos ng kadakilaan sa mga gawaing para sa ikabubuti ng lahat. Buong-lugod nating isapuso ang tungkuling wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa ating Inang Bayan.”

Kasabay nito, nagtitipon naman sa kasalukuyan ang maraming mga Pilipino sa Edsa People Power Monument at sa Luneta, bilang pagtutol ng mamamayan laban sa umiiral na katiwalian sa bansa.

Ang pagkilos sa Edsa o ang Trillion Peso March na pinapangunahan ng simbahan, ay suportado ng 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa bansa, kung saan sabay na ginaganap ang pagkilos sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,567 total reads

 143,567 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,934 total reads

 216,934 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,382 total reads

 250,382 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,681 total reads

 285,680 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,636 total reads

 506,636 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top