Makapangyarihan ang sambayanang Pilipino kaysa mga halal na opisyal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,082 total reads

Nanindigan si Antipolo Bishop Ruperto Santos na mas makapangyarihan ang sambayanang Pilipino kaysa sa mga halal na lider, kaya’t higit kailanman ay mahalaga ang pagkakaisa ng mamamayan.

Sa kanyang mensahe sa Trillion Peso March noong November 30, iginiit ng obispo na dapat papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno at ang kanilang mga kasabwat upang maibalik ang katarungan sa taumbayan.

“We are not powerless. We are the lifeblood of this nation. We are the voice that cannot be silenced. They must return what they have taken, stand before the courts of justice, and ultimately, face the judgment of God,” pahayag ni Bishop Santos.

Mariin kinondena ng obispo ang “labis na kasakiman” ng mga nasa kapangyarihan na patuloy nagwawaldas sa pondo ng bayan habang ang mga kabataan ay napipilitang mag-aral sa mga silid-aralang sira at binabaha.

Ayon kay Bishop Santos, ang sama-samang paglahok ng mga mamamayan sa Trillion Peso March ay simbolo ng pagtindig para sa bawat karaniwang Pilipino.

“To every Filipino who labors with dignity and pays taxes with hope, the Trillion Peso March is for you… Justice is twisted: the poor are punished swiftly, while the corrupt feast on extravagant meals, untouched by the law,” aniya.

Hinimok din ng obispo ang publiko na magpatuloy sa pakikibaka para sa katotohanan, katarungan, at reporma, habang nananatili sa landas ng kapayapaan.

“Let our voices thunder across the land. Let our unity be our strength. Choose peace. March with purpose. Raise your voice with passion, but act with grace,” dagdag ni Bishop Santos.

Matagumpay ang ikalawang Trillion Peso March na inorganisa ng iba’t ibang sektor, kabilang ang Simbahan.

Nagsagawa rin ng lokal na pagkilos ang 86 na ecclesiastical territories sa buong bansa, kasama ang kani-kanilang parokya.

Pinangunahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ang banal na misa sa pangunahing pagtitipon sa EDSA People Power Monument na dinaluhan ng libu-libong mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,578 total reads

 143,578 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,944 total reads

 216,944 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,392 total reads

 250,392 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,690 total reads

 285,690 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,646 total reads

 506,646 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top