House Speaker sa kapwa mambabatas, ibalik ang tiwala ng mamamayan sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,933 total reads

Hinikayat ni House Speaker Faustino Dy III ang kapwa mambabatas, maging ang mga kawani ng House of Representatives na makiisa para maibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon at maihatid ang reporma na kinakailangan ng mamamayan.

Ito ang mensahe ni Dy, sa flag raising ceremony sa Batasan Complex kaugnay na rin sa kinakaharap na hamon ng Kamara na maisasakatuparan lamang kung sama-samang kikilos tungo sa pagbabago.

“Mga kasama, malinaw ang hamon sa ating lahat: Magkaisa. Magtulungan. Isantabi ang pansariling interes para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino,” ayon kay Speaker Dy.

Hiling ng mambabatas sa bawat isa na manatiling nakatuon sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Giit pa ng pinuno ng Kamara, “Kayang-kaya nating itayo ang isang Kongresong tapat, makatao, makabayan, at tunay na nagsisilbi. Kayang-kaya nating maging instrumento ng pagkakaisa at paghilom ng ating bayan.”

Hinimok din ni Dy ang mga mambabatas at kawani na huwag magpaapekto sa ingay ng pulitika at maling impormasyon na maaring makagambala sa kanilang tungkulin.

“Hinihikayat ko kayo: huwag nating hayaang maapektuhan tayo ng mga naririnig o nababasa sa social media. Kayang-kaya nating baguhin ang imahe ng institusyong ito sa pamamagitan ng tapat, masipag, at makabuluhang paglilingkod,” ayon pa kay Dy.

Umaasa ang Speaker na sa mga susunod na panahon ay mababawi rin ng Kamara ang paggalang at nararapat na dignidad sa institusyon.

Una na ring nahaharap sa kontrobersya ang Kongreso, dahil sa pagkakasangkot ng mga ilang mga mambabatas sa flood control anomalies, at sinasabing ‘insertions’ sa 2025 budget.

Ang mga alegasyon ng malawakang katiwalian sa gobyerno ang dahilan ng isinasagawang serye ng protesta ng publiko na nanawagan ng pananagutan ng lahat ng sangkot sa katiwalian.

Kabilang din sa panawagan ng isinagawang Trillion Peso March sa Edsa ang pagpasa ng panukala kaugnay sa political dynasty.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Dy-na ang angkan ay bahagi ng dinastiya, ay nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng anti-dynasty bill, na matagal nang nakabinbin sa Kamara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 51,923 total reads

 51,923 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 86,599 total reads

 86,599 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 114,945 total reads

 114,945 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 151,430 total reads

 151,430 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 166,461 total reads

 166,461 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top