Pagkakaisa kontra sa katiwalian, political dynasties panawagan sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,051 total reads

Nanawagan si Ramon Magsaysay 2025 Awardee at Program Paghilom Founder Fr. Flavie Villanueva, SVD, sa mga lider ng bansa at sa buong sambayanang Pilipino na magsasa-sama laban sa katiwalian at pag-iral ng political dynasties.

Ayon kay Fr. Villanueva, panahon na para wakasan ang korupsyon at panagutin ang lahat ng may kasalanan.

Ipinahayag ng pari ang panawagan kaugnay ng muling pagbubuklod ng mamamayan sa EDSA People Power Monument para sa ikalawang Trillion Peso March noong November 30, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day.

“Panawagan sa mga kinaukulan, panawagan sa mga kababayan, panawagan sa lahat ng Pilipinong naghahangad ng mas magandang bukas–wakasan natin ang korupsyon, ikulong natin ang mga lahat ng may kasalanan, higit sa lahat, ibalik natin ang dangal ng pagiging tunay na Pilipino,” panawagan ni Fr. Villanueva sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Villanueva ang kahalagahan ng pagmamalasakit at pagkalinga sa kapwa bilang mahalagang hakbang tungo sa tunay na kaunlaran ng lipunan.

Dagdag pa ng pari, hangga’t nagpapatuloy ang pang-aabuso sa kapangyarihan at paglabag sa sinumpaang tungkulin, patuloy ding magdurusa ang mamamayan, lalo na ang mga mahihirap.

“Walang pinagpalang bansa kung ang mahirap ay patuloy na pinababayaan,” ayon kay Fr. Villanueva.

Ayon sa tala ng Caritas Philippines, 86-arkidiyosesis at diyosesis mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kasama ang mga relihiyoso, lay organizations, at civic groups, ang nagpahayag ng suporta sa Trillion Peso March.

Batay naman sa ulat ng Philippine National Police, tinatayang 90,000 katao ang lumahok sa mga isinagawang kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng bansa kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 44,109 total reads

 44,109 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 78,784 total reads

 78,784 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,584 total reads

 107,584 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 144,066 total reads

 144,066 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,559 total reads

 159,559 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,865 total reads

 84,865 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top