Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa, bagong kalahok sa Campus Hour program ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

 994 total views

Nagalak si Radyo Veritas President Father Roy Bellen sa naging pormal na pakikiisa ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa bilang isa sa mga participating schools sa Season 13 nang Campus Hour Program nang himpilan.
Ayon pa Pari, ang naganap na contract signing sa pagitan ng Radyo Veritas at nang Pamantasan ay pinapatibay ang pagkakaroon ng tunay at aktuwal na karanasan ng mga estudyante na maging bahagi ng radio production.
Ito ay upang matutunan ang mga kinakailangang kakayahan at abilidad na mahalaga sa kanilang piniling landas pagdating sa larangan ng komunikasyon.

“Welcome po sa inyo doon po sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, sa inyong pag-iisa bilang miyembro o isa sa mga paaralan at pamantasan na nagiging bahagi ng ating Campus Hour. Ito po ay hindi lang basta-basta, nabanggit ko kanina doon sa event na hindi lang po ito academic requirement, katunayan po, every time na ang mga kabataan ay nagkakasama-sama, yung ating boses at yung ating mga adbokasiya ay mas lumalakas. At tayo din po ay maraming natutunan. At higit sa lahat, yung mga magagandang mensahe na ipapakalat po natin,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Nasasabik naman si Maria Purification Ganavan Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Faculty at Direktor nang Center for Languages and Development sa partnership na inilunsad dahil mabuting inisyatibo para sa pag-aaral ng mga estudyante.

Gayundin ang inaasahang pagpapalalalim ng kakakayahan ng mga estudyanteng bahagi ng Campus Hour Season 13.

“Bilang mensahe, we’re very excited, and alam ko, ramdam ko, kasi it’s been— I think—since 2023 na kinokontak ako ni Sir Junvel. And ito na, I think ito na yung tamang panahon para ang aking mga advisees ay maipakita ang kanilang skills — yung galing nila sa pagbabalita at pagpapakita ng… ano ba — para maipakita nila yung husay nila sa pag-arte, So maraming-maraming salamat. I hope magtagumpay ang aking mga advisees. That’s all. Thank you so much.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Ganavan.

Sa Campus Hour Season 13 ay makakasama ng pamantasan sa susunod na taon ang Adamson University, World Citi Colleges Aeronautical & Technological College, La Consolacion University of the Philippines, Universidad de Manila, Baliuag University, Colegio de San Juan de Letran, Far Eastern University, Centro Escolar University – Manila, at Centro Escolar University – Malolos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 183,549 total views

 183,549 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 248,677 total views

 248,677 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 209,297 total views

 209,297 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 270,101 total views

 270,101 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 290,054 total views

 290,054 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top