12-percent VAT, bawasan ng 2-porsiyento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,197 total reads

Naniniwala si Sen. Erwin Tulfo na hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalan kung babawasan ng dalawang porsiyento ang umiiral na 12 percent value added tax.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Tulfo na marami pang binabayarang buwis ang publiko kaya’t malaking tulong sa karaniwang mamamayan kung mababawasan man nang kaunti ang VAT.

Giit pa ni Tulfo, bagama’t sinasabing aabot sa P330 B kada taon ang mawawalang kita ng gobyerno ay maari pa rin itong mabawi sa pamamagitan ng efficient tax collection.

“Siguro po, ‘yung efficient lang po na tax collection, tax efficient ‘yun po ang kailangan natin. Hindi na kailangan yung kung ano-ano pa…nandiyan din po ang Bureau of Customs. Siguro kung episyente lang po ang yung pagkokolekta ng buwis, I believe maabot po natin ang target,” ayon kay Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, kasalukuyan ding dinidinig sa Senado ang usapin ng Letter of Authority (LOA) na iniisyu sa bawat negosyo at kumpanya na hinihinalang naabuso at napupunta lamang sa katiwalian.

Una na ring nagsumite si Sen. Tulfo ng senate bill 1552 o VAT Reduction Act of 2025 na layunin bawasan ang VAT mula sa dating 12 percent patungong 10 percent.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ang pagbabawas VAT lalo na sa mga pamilyang mababa at may katamtaman lamang na kita.

Nagsumite rin ng kahalintulad ng panukala si Batangas Rep. Leandro Leviste sa Kamara o ang House Bill 4302 o VAT Reduction Act of 2025.

Sinabi ni Leviste, sakaling maaprubahan bilang batas, aabot sa P7,000 ang matitipid na kita ng mga karaniwang mamamayan kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 127,819 total reads

 127,819 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 161,148 total reads

 161,148 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 193,292 total reads

 193,292 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 259,355 total reads

 259,355 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 270,333 total reads

 270,333 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top